Bistado ang gobyerno: lahat sila kawatan (2)
(Karugtong nang lumabas kahapon)
BUKOD sa pork barrel, binubulsa ng mga mambabatas ang maintenance and other operating expenses (MOOE). Nu’ng Disyembre, binigyan ni noo’y-Senate President Juan Ponce Enrile ang mga senador, maging taga-mayorya o menorya, admin o oposisyon, ng tig-P63 milyong dagdag na MOOE. Sa kanilang sariling batas, hindi ito maaring i-audit.
Nagsasabwatan ang Ehekutibo at Lehislatura sa presidential at congressional “porkâ€. Isinisingit ito ng Development Budget Coordinating Council -- mga taga-Gabinete at Kongreso -- sa taunang panukalang budget. Sinusumite ng Malacañang ang panukala para isabatas ng Kongreso.
Marami pang ibang sabwatan. Ipinamahagi ni dating Pangulong Gloria Arroyo ang P23.6-bilyong Malampaya Fund sa mga paboritong mambabatas. Sa ilalim ng Disbursement Acceleration Program, binigyan naman ni President Noynoy Aquino nu’ng 2012 ng tig-P30 hanggang P100 milyon ang 20 senador, at P15 milyon ang mga piling kongresista. Para ito umano sa pagpapaunlad ng kanayunan. Pero ani Sen. Jinggoy Estrada, sinuhulan sila para i-impeach at sibakin si Chief Justice Renato Corona (sa milyun-milyon-pisong tagong yaman). Ano man ang totoo, utal ang Malacañang sa pagpapaliwanag kung bakit idinaan pa sa Lehislatura ang savings ng mga ahensiya ng Ehekutibo.
Napuno na ang mamamayan. Inuugat ng mga Pilipino sa “porkâ€ang bawat suliraning pambansa: Kakulangan ng bigas, nagmamahal na bilihin, kawalan ng trabaho, kakulangan ng paaralan, kapalpakan ng pulisya, baha, kapabayaan ng kanayunan, trapik sa kalunsuran, pati pangÂhihimasok ng China. Tama na, sobra na, alisin na!
* * *
Makinig sa Sapol, SaÂbado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest