^

PSN Opinyon

Bistado ang gobyerno: Lahat sila kawatan (1)

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NAGMUMULA at nagtatapos sa mga ganid na mambabatas ang plunder ng bilyon-bilyon-pisong pork barrel. Sa pamamagitan ng chiefs of staff, ipinauubaya nila ang “pork” -- P200 milyon kada taon ng senador, P70 milyon ng kongresista -- sa fixers. Bahala na ang fixer lumikha ng pekeng proyekto at NGOs. Taga-suhol din siya sa mga taga-approve, -release, at -tanggap ng “pork” sa budget department, implementing agencies, at kapitolyo o munisipyo. Ang partihan: 50% sa mambabatas, 5% sa chief of staff, 25% sa fixer, at 20% “for the boys.”

Pinaka-malaking fixer si Janet Lim Napoles, pero isa lang sa marami. Mabibisto’t mabibisto rin ang mga iba, habang nililihis nila ang inquiries tungo sa “kalaban”. Ulat ng Commission on Audit sa 2007-2009 congressional “pork”, kinulimbat ng 12 senador at 162 kongresista ang P6.2 bilyon sa pamamagitan ng 82 pekeng NGOs. Sa halagang ‘yon, walong NGOs ni Napoles ang nagpronta para sa P2.1 bilyong pekeng proyekto. At sa iba’t ibang scam niya, sangkot ang P1.1 bilyon na “pork” nina noo’y-Senate President Juan Ponce Enrile, Pro Tempore Jinggoy Estrada, at palagiang maka-admin na Bong Revilla. Nakasakdal na ang tatlo, kasama sina Napoles atbp., ng plunder at malversation.

Di lang sa Lehislatura kundi pati sa Ehekutibo ang bulok na sistemang “pork”. Meron ang Pangulo ng taunang discretionary cash na P25 bilyon, panumbas sa P27.5 bilyon ng 24 senador at 292 kongresista. Hindi kasali sa presidential “pork” ang Contingency Fund para sa rescue at relief sa kalamidad. Pero kasali ang President’s Social Fund para sa mga planadong proyekto, kaya dapat isailalim sa line-item budgeting.

Hindi lang “pork” ang ibinubulsa ng mga mambabatas. Maaalala na nito lang Disyembre ay nabisto ang isa pang scam. (Itutuloy bukas)

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

 

BAHALA

BONG REVILLA

CONTINGENCY FUND

JANET LIM NAPOLES

NAPOLES

PORK

PRO TEMPORE JINGGOY ESTRADA

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

SOCIAL FUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with