Random raffle text scam
“Sir/Ma’am Congratulations! Your mobile simcard # had won P2 million pesos during our 8th years anniversary Handog Pangkabuhayan raffle draw! From *** Charity Foundation Office of the Phils. To claim your prize pls call Atty. ***, legal adviser, contact # 09******846. Call me now to avoid forfeiture.â€
Kung inaakala ninyong suwerte kayo dahil nakatanggap ng ganitong mensahe sa cell phone, nagkakamali kayo!
Mga sindikato ang nasa likod ng text scam na ito. Ang kanilang estilo, magsi-send ng text message at random o pa-tsamba. Kapag may sumagot sa kanilang mensahe, simula na ito ng mga boladas at mga panloloko!
Sa kabila ng paulit-ulit na babala ng mga awtoridad at BITAG, marami pa rin ang nabibiktima ng ganitong modus. Hirit ng mga sindikato, kailangan munang magbigay ng nanalo ng processing fee para maisaayos ang kanyang pera.
Kadalasan sa mga nagpapadala ng mensahe ay mga “abogado.†Mas madali kasi nilang makuha ang tiwala ng kanilang prospect victims sa pamamagitan mismo ng kanilang titulo.
Babala ng BITAG sa publiko, huwag agad maniniÂwaÂla sa mga mensaheng natatanggap at nagsasabing nanalo kayo nang malaking halaga ng pera. Magtanong at komunsulta muna sa mga kaibigan at kakilala hinggil sa ganitong text messages upang hindi kayo mabiktima!
* * *
Manood at makinig ng Bitag Live! araw-araw tuwing 10:00-11:00 ng umaga sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5 o via live streaming sa www.bitagtheoriginal.com/bitagsaradyo. Sa mga bagong episode ng Pinoy-US Cops-Ride Along at BITAG, tutukan at huwag kakaligtaang mag-log on sa www.bitagtheoriginal.com.
- Latest