^

PSN Opinyon

Amerika halika

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

AKO ay pabor na magkaroon ng military bases ang Amerika dito sa ating bansa. Kailangan nating tapatan o mas higitan pa ang puwersa ng militar ng China “pound for pound” at magagawa lamang natin ito kung may US military bases dito. Binabalewala ng China ang mga pakiusap ng Pilipinas na dalhin ang issue sa United Nations, kaya maliwanag na ang susundin lamang na patakaran nito ay ang primitibong prinsipyo na “right is might” na ipinaiiral din naman ng Amerika sa Syria ngayon, at noong mga nakaraang dekada ay sa Iraq, Afghanistan, Panama at Pakistan. 

Maalaala  natin na ang Amerika noon ay lumusob sa Panama. Inaresto at kinulong sa Amerika ang Panamanian President na si Norberto Noriega. Ginawa rin ng Amerika ito sa Pakistan kamakailan lang nang pinasok ng US marines ang Pakistan para patayin si Osama bin Laden. Kaya hindi malayong mangyari na tutularan din ng China ang “precedents” na nilikha ng Amerika kapag tayo ay tuluyan na nilang binawian ng mga teritoryo sa West Philippine Sea.  Kapag usaping “right is might” ang ipinaiiral, balewala na ang sovereignty ng weaker nations.

May economic advantage din naman kapag may mga libu-libung sundalong Amerikano sa ating bansa. Parang mga permanenteng tourista na sila rito na gumagastos araw-araw ng dolyares para sa kanilang mga pagkain at iba pang mga pangangailangan pati sa maintainance at gasolina ng kanilang mga sasakyan at naval fleet.

Money is the lifeblood of the economy. Millions of dollars monthly ang maipapasok ng mga sundalong Amerikano sa ating ekonomiya. Walang pagkakaiba yan sa mga bentahan na naidudulot ng OFW remittances.  Pati na Australia, Japan, India at iba pa ay anyayahan nating magtatag ng military bases dito. The more the merrier and better for our national security and economy.

AMERIKA

AMERIKANO

BINABALEWALA

GINAWA

NORBERTO NORIEGA

PANAMANIAN PRESIDENT

UNITED NATIONS

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with