^

PSN Opinyon

2 Pinay DH inabuso na naman sa Kuwait

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

NAPAG-USAPAN namin ni Sen. Jinggoy Ejercito Estrada ang panibago na namang pang-aabuso sa mga Pilipinang domestic helper o household service worker sa Kuwait. Ang mga biktima ay itinago sa alyas na “Teresa” at “Mely.”

Si Teresa, 40, ay mula Davao City at may dalawang anak. Namasukan siyang DH sa isang pamilyang Kuwaiti sa bayan ng Jahra. Aniya, nagkaroon siya nang mapait na karanasan sa kamay ng ama ng pamilya gayundin sa tatlong lalaking anak nito.

Pebrero 2, 2012 umano nang unang naganap ang pambibiktima sa kanya. Namamalantsa umano siya    noon nang nilapitan siya ng ama ng Kuwaiti family na nakatapis lang ng tuwalya at tinangka siyang abusuhin.

Pagkaraan ng ilang araw, hinalay naman siya ng isa sa mga anak nito at sinampal pa siya nang malakas sa bahagi ng tainga na nagresulta sa pagkapinsala ng kanyang pandinig.

Ang ikalawa naman sa magkakapatid ay sinuntok    siya nang malakas sa tiyan at hinalay din  siya.

Ang ikatlo ay kinaladkad siya papasok sa kuwarto nito at hinalay din.

Nailigtas siya ng mga opisyal ng Philippine Embassy noong Disyembre.

Si Mely ay namasukan ding DH sa isang pamilyang Kuwaiti sa Mishref district noong 2012. Apat na beses umano siyang hinalay ng kanyang amo noong Oktubre 2012. Tumakas siya at humingi ng tulong sa Philippine Embassy noong Nobyembre.

Sa nakaraan kong kolum, inilahad ko ang sinapit ng 27-anyos na taga-T’Boli, South Cotabato na hinalay at pinagsasaksak pa ng isang Kuwaiti police.

 

Ayon sa mga kababayan sa Kuwait, napakarami na ng mga insidente ng pag-abuso sa mga Pinay DH sa naturang bansa. Sinabi ni Jinggoy na sa abot ng kanyang makakaya ay gagawa siya ng kaukulang hakbang hinggil sa naturang usapin.

 

DAVAO CITY

JINGGOY EJERCITO ESTRADA

KUWAITI

PHILIPPINE EMBASSY

SI MELY

SI TERESA

SIYA

SOUTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with