^

PSN Opinyon

Iba’t ibang patron saints

- Al G. Pedroche - The Freeman

DITO sa ating sinilangang bansa ay lubhang relihiyoso ang mga tao. Sa iba-ibang kalagayan sa buhay at problemang kinakaharap ay may sari-saring santo at santa na pinagdadasalan.

Halimbawa, yung mga maglalakbay na ibig tiyakin ang kanilang kaligtasan, ang tinatawagan ay si St. Chris­topher, ang Patron Saint ng mga biyahero.

Yun namang mga mag-asawa na kung ilang taon nang di nabibiyayaan ng anak ay hindi nawawalan ng pag-asa. Ang tanging gagawin nila ay buong pananampalatayang magtutungo sa Obando, Bulacan para magsayaw kay Santa Clara at mag-alay ng itlog dahil siya ang tinatawag na saint of fertility. Siya ang sinasabing patron ng mga baog.

Hindi lang iyan. Kahit ang mga desperadong opisyal ng gobyero na nahaharap sa mga kaso ng katiwalian ay mayroon ding santong sinasandalan at tinatawagan. Alam n’yo ba kung sino ang patron saint na ito? Sirit?

Sino pa eh di sa St. Luke’s Hospital.

Sari-saring upuan din ang ginagamit ng mga opisyal ng pamahalaan depende sa sitwasyong kanilang kina­lalagyan.

Kapag ang mga public officials ay nagdaraos ng meeting­, sila ay nakaupo sa conference chair. Kung sila ay nasa opisina, ang inuupuan nila ay ang kanilang executive chairs. At kapag medyo pagod at under stress, natural uupo sila sa massage chair.

Pero kapag nabisto ang kanilang mga katiwaliang gina­gawa at  ipinagharap ng karampatang demanda, ang inuupuan naman nila ay wheelchair.

Heto ang tanong: Papaano kung sila ay mahatulang guilty as charged?

Sa ganitong sitwasyon ay wala na pala silang mauupuan dahil matagal nang inalis ang electric chair sa Muntinlupa.

ALAM

BULACAN

HALIMBAWA

HETO

PATRON SAINT

SANTA CLARA

ST. CHRIS

ST. LUKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with