^

PSN Opinyon

‘Pitas’

BAHAL SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

PINAAALALAHANAN ng BITAG ang publiko ngayong araw ng suweldo! Kayo ang pinupuntirtya at target ng mga kawatan! Kuwidaw! Posibleng mabiktima kayo habang abala sa inyong mga aktibidad.

Tandaan, ang mga kriminal ay walang pinipiling panahon­ sa pagsasagawa ng krimen. Basta nakakita ng oportunidad, agad aatake ang mga ‘yan! Hindi na bago sa publiko ang ganitong mga babala partikular tuwing a-kinse at a-treinta ng buwan subalit, marami pa rin ang nabibiktima!

Markado na kasi ng mga masasamang-loob ang mga petsang ito dahil “mapera” ang publiko at magandang pagkakataon para sa kanilang modus.

Kunwari’y pupuwesto ang mga kawatan sa mga sulok ng lansangan. Ang iba naman, pasimpleng poposte, di kalayuan sa mga tanggapan at opisina habang ang kanilang mga kasapakat ay nakakalat at nag-aabang sa mga daan at madilim na bahagi ng mga overpass.

Dahil nakilatis na nila ang kanilang mga target, mas mabilis pa sa kidlat ang kanilang mga “pagpipitas” ng mga maaari nilang pakinabangan!

Nililinaw ng BITAG, hindi lang tuwing araw ng suweldo aktibo ang mga mandurukot at masasamang-loob dahil walang pinapalampas na araw ang mga ito!

 Paalala ng BITAG sa publiko, ‘wag nang makipagsubukan pa sa mga kawatan at masasamang-loob. Hangga’t maaari, huwag nang magpagabi sa daan upang hindi kayo mapahamak at mabiktima ng mga kawatan!

* * *

Manood at makinig ng Bitag Live! araw-araw tuwing alas-10:00-11:00 ng umaga sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5 o via live streaming sa www.bitagtheoriginal.com/bitagsaradyo.

vuukle comment

BITAG LIVE

DAHIL

HANGGA

KUWIDAW

MANOOD

MARKADO

NILILINAW

PAALALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with