Ang ILO Convention 189 at Batas Kasambahay
KAMI ni Senator Jinggoy Ejercito Estrada ay nakikiisa sa pagiging epektibo ng International Labor Organization Convention on the Protection of the Rights of Domestic Workers o ILO Convention 189 na nagsimula noong Setyembre 5, 2013.
Ang bagong legal instrument ay nagtatakda ng pangkalahatang pagkilala, respeto, proteksiyon at promosyon ng mga karapatan ng mga kasambahay sa buong mundo.
Ito ay inaprubahan sa ILO General Conference noong Hunyo 16, 2011 sa Geneva, Switzerland. Base sa Article 21 ng dokumento, ito ay magiging epektibo 12 buwan matapos itong ratipikahan ng hindi bababa sa dalawang ILO member-states.
Ang Pilipinas ang pangalawang bansa na nagratipika nito noong Agosto 6, 2012 alinsunod sa resolusyon na co-sponsored ni Jinggoy bilang chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development.
Ang nasabing dokumento ay lalong nagpapatibay at nagpapalakas sa Batas Kasambahay (Republic Act 10361) na pangunahing iniakda ni Jinggoy at nilagdaan ni President Noynoy Aquino bilang batas noong Enero ngayong taon.
Ilan sa pangunahing nakasaad sa ILO Convention 189 ay ang maayos na pasuweldo, benepisyo at working condition para sa mga domestic worker, at proteksiyon nila laban sa anumang uri o porma ng pagmamaltrato.
Ang Batas Kasambahay naman ay nagtatakda ng “realistic minimum wage†sa kasambahay na regular na daragdagan batay sa pagtaas ng cost of living sa bansa, pagkakaroon nila ng formal work contract, at membership at benepisyo sa SSS, Philhealth at Pag-IBIG.
Ayon kay Jinggoy, ang ILO Convention 189 at Batas Kasambahay ay maituturing na “twin towers of positive policies for domestic workers†na magsisilbing gabay sa mga pamahalaan, pribadong sektor at sa kabuuan ng lipunan sa buong mundo hinggil sa tamang pagtrato sa kanila.
Dagdag niya, ang naturang dalawang legal instruments ay makatutulong nang malaki sa paggarantiya ng mga karapatan ng mga kasambahay at sa pagsusulong ng kapakanan at pag-unlad nila at ng kanilang pamilya.
- Latest