Pinaka-mahalaga sa 5 pangdamdam
KUNDI sa galing ng aking eye surgeon, Dr. Tony TumÂbocon, at anesthesiologists, Drs. Edwina Cua, Romel Almoro, Jocelynn Reyes, at sa gabay ng Diyos, at dasal ng mga kaanak at kaibigan — naku! — bulag na ako ngayon. Sumailalim ako sa tatlong operasyon sa loob ng 11 araw, para maisalba ang aking pangkita mula sa malubhang kalagayan. Mabilis humihilom ang maga at mga tahi, kaya mula sa panandaliang tanging karimlan ay nakakabasa na ako muli at nakakapag-computer, bagamat hirap. MaÂhirap, magastos magkasakit sa mata. At ang pagnanais ko na maiwasan ninyo o maipagamot agad ito ang dahilan kung bakit taun-taon, sa World Sight Day, pangalawang Huwebes ng Oktubre (Okt. 10 ngayong 2013), nagpapayo ako tungkol sa pag-aalaga ng mata. Nagbababala ako na huwag pamarisan ang aking pagpapabaya, na nauwi sa kasalukuyang kalubhaan.
Tiyak natanong na kayo nito: Kung mapipilitan ka, ano sa limang pangdamdam — pantingin, pandinig, pang-amoy, panlasa, pandama — ang iyong isasakripisyo? Iba-iba ang nagiging sagot ng respondents. Karamihan ayaw mawala ang una, pero meron ding hindi raw mabubuhay nang wala ang iba.
Para sa akin, maari isakripisyo nang lahat ng pangdamdam, huwag lang ang isa pa, pang-anim kumbaga, na hindi materyal pero nasa kabuuan nino man: Ang pagmamahal. Dahil sa damdamin ng pagmamahal, nagiging masunurin tayo sa Diyos, matulungin sa kapwa, at maalaga sa paÂmilya. Dahil sa pagmamahal, pinapahalagahan natin ang paligid at sarili bilang iisang sistema. Pagmamahal ang pumapawi sa lungkot o pagod, nagpapatatag ng loob, nagpapasaya sa buhay — ang buod o saysay ng bawat isa sa atin.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest




















