Talikdan mo ang lahat bago sumunod!
ANG daigdig ay puno ng mga kaguluhan --- labanan ng mga bansa, lipunan, pamahalaan, simbahan at ta-hanan. Ang mga kalamidad at unos na nananalasa ay hindi mapagwari. Katapusan na ba ng daigdig? Sino ang makatatarok ng kaisipan ng Diyos?
Walang nakaaalam sa kalooban ng Diyos. Nahihirapan tayong unawain ang mga bagay sa langit maliban sa bigyan tayo ng Diyos ng tunay na karunungan upang maituwid ang landas ng buhay. “Panginoon, amin kang tahanan, noon, ngayon at kailanman.†Matatahimik lamang ang ating isipan kung pananatilihin sa buhay ang Mabuting Balita na magpapatatag sa mga pagsubok.
Sa mga nangyayari sa kasalukuyan, isang tanong lamang ang ipinahahayag sa atin. Pinaghahandaan ba natin ang pagsunod kay Hesus? Napakarami na ang nakalilimot magbalik-loob sa Diyos. Ang pananalasa ng mga bagyo at kalamidad sa buong daigdig ay paalaala sa atin ng Diyos. Maraming nagsasabi na iyan naman ay dala ng kalikasan. Sino ba ang gumawa ng kalikasan? Hindi n’yo ba alam mga kapatid, na ang lahat ng bagay ay mula sa Diyos na lumikha sa lahat?
“Hindi maaaring maging alagad ko ang sinuman umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid at maging sa sarili niyang buhay nang higit sa akin. Ang sinumang hindi magpasan ng sariling krus at sumunod sa akin ay hindi maaaring maging alagad ko!â€
Napakaraming nangyayari sa bansa na nakawan sa kaban ng bayan. Excuse me po, pati sa simbahan. Alipin ng salapi! Kaya pala naghihirap ang ating bayan ay sa kagagawan na rin ng mga kapwa Pilipino na gahaman sa kapangyarihan! Panginoon, kaawaan mo po kami!
Karunungan 9:13-18b; Salmo 89; Filemon 9:10, 12-17 at Lukas 14:25-33
- Latest