Hindi na ‘Dios-dedo’
KAPAG ang isang pagamutan ay masama ang serbisyo at maraming pasyente ang hindi naaasikasong mabuti at namamatay, karaniwang tawag dito ay “Mona Lisa†Hospital. Sa awiting Mona Lisa na pinasikat ni Nat King Cole nung nineteen-kopong-kopong, mayroong linya na nagsasabing “they just lie there, and they die there.â€
Sa amin sa lungsod ng Caloocan, mayroong pagaÂmutan ng pamahalaan na may ganyang pangit na reputasyon. Ito ang President Diosdado Macapagal Medical Center. Noong kumakampanya pa si Caloocan Mayor Oca Malapitan, tiniyak niya na pag-iigihin ang serbisyo ng naturang pagamutan. Kasi raw, laging tampulan ng pangit na biro ang ospital na tinatawag na “Dios-dedo†Macapagal hospital.
Hindi natin layuning kutyain ang isa sa mahuhusay ng naging Pangulo ng bansa. Pero kung makapagsasalita lang siguro ang yumaong ex-president, pihong sasabihin niyang “kung hindi niyo mapagbubuti ang serbisyo diyan, pakitanggal na lang ang pangalan ko!â€
Pinalitan na ang pangalan nito at ginawa nang Caloocan City Medical Center. Noong araw, madalas tayong tumanggap ng reklamo sa mga biktima ng krimen o aksidente na hindi inaasikaso ng mga tauhan ng pagamutan. Kaya “they just lie there and they die there.â€
Ani Mayor Oca, nilagdaan na ng Sangguniang PangÂlungsod ang memorandum of agreement sa Department of Health na nagpapalit sa pangalan ng pagamutan. At ito ang maganda: Nakapaloob sa kasunduan ang pagsasaayos at pagmo-modernize ng CCMC.
Naunang naghain si 1st District Councilor Aurora Henson II ng Proposed Ordinance No. 1424 Series of 2013, na humihiling na palitan ang pangalan nito dahil aniya laging tampulan ng tukso at panlalait.
Sa ilalim ng Local GoÂvernment Code of 1991, ang Sangguniang Panlungsod, sa pakikipag-konsultasyon sa NHCP ay maaaring palitan ang paÂngalan ng lahat ng ospital, health center at iba pang pasilidad pangkalusugan sa lungsod.
Tiniyak naman ni Malapitan na patuloy nitong pagagandahin ang serbisyo ng ospital para sa kapakinabaÂngan ng mga mahihirap na residente kabilang na ang pagbili ng mga makaÂbagong pasilidad at meÂdical equipment.
- Latest