^

PSN Opinyon

Pangangamba, na naman

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

TERORISMO na naman ang pinangangambahan ng buong mundo, dahil sa naganap na pagtakas sa Pakistan ng daan-daang militanteng may kaugnayan sa Al-Qaeda.    Nilusob ng 100 armado ang isang bilangguan at pinakawalan ang mga militante. Dahil dito, agad naglabas ng babala ang Amerika sa kanilang mga mamamayan, at ipinasara na muna ang ilang embahada sa Gitnang Silangan, pati sa Muslim na bansa. Nagsunuran din ang mga embahada ng UK, Canada Germany at France. Ayon sa pagkalap ng impormasyon ng Amerika, may planong atakihin ang ilang interes nila sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Pati ang Pilipinas ay nag-iingat na rin.

Kilalang kuta ng Al-Qaeda ang Pakistan. Kaya hindi ako magtataka kung malakas pa rin ang suporta ng Al-Qaeda mula sa mga mamamayan nito, baka pati na rin ng gobyerno. Sa Pakistan nagtago si Osama Bin Laden ng ilang taon, bago napatay ng US Navy Seals. Kung paano nakalusob ang mga armadong tao sa isang bilangguan para pakawalan ang kanilang mga kasama ay malaking kahihiyan sa kakayanan ng Pakistan na bantayan ang kanilang mga bilanggo, lalo na mga kilalang terorista.

At hindi ito ang unang beses kung saan nilusob ang isang bilangguan para pakawalan ang mga preso. No­ong nakaraang taon, 400 preso ang pinakawalan ng mga armado. Binabantayan bang maigi ang bilangguan, o hindi? Kung bakit mga ganitong klaseng tao ang nakalagay sa isang bilangguan na hindi naman dinisenyo para sa mga ganyang klaseng preso. At bakit tila walang binago sa mga palakad, lalo na ang seguridad, ng bilangguan kahit may nakatakas na noong nakaraang taon? May ulat na ang nanguna sa pagsalakay sa bilangguan ngayon ay isang nakatakas noong nakaraang taon, kaya alam lahat tungkol sa bilangguan. Kabilang sa mga pinatakas ay mga pinuno ng Taliban at mga nagsasanay sa suicide bombers. Gaano katagal na naman bago mahuli ang ganyan karaming terorista? Ilang masasamang pangyayari ang magaganap bago mahuli o mapatay ang mga ganyang klaseng tao? May dahilan nga ang mundo na ma-ngamba, na naman.

AL-QAEDA

AMERIKA

BILANGGUAN

CANADA GERMANY

GITNANG SILANGAN

NAVY SEALS

OSAMA BIN LADEN

SA PAKISTAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with