^

PSN Opinyon

Wakasan na ang kababuyan

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

TANGGALIN na ang pork barrel. Napakaliwanag na sanhi ito ng mga kickback at iba’t ibang klaseng mga katiwalian. Kaya ang tawag siguro dito ay pork ay dahil kababuyan ito. Minsan naging guest ako ni Tina Monson Palma sa kanyang programa sa ANC at tinanong niya ako kung tatanggapin ko ba ang pork barrel ko na aabot ng P70 milyon kada taon o hindi. May mga kasama akong ibang Kongresista sa interview. Halatang ipokrito ‘yung isa dahil alam naman ng lahat na matagal na siyang pulitiko na hindi naman malinis pero ang sabi niya ay pag-aaralan daw niya kung tatanggapin o hindi.

Ang sagot ko kay Tina noon ay opo, tatanggapin ko ang aking pork barrel at ang sabi ko pa, kulang pa nga ‘yan sa mga pangangailangan ng OFWs lalo na yung mga sinalbahe ng mga amo at mga walang pambili ng ticket sa eroplano para makauwi sa Pilipinas. Gagamitin ko rin ito para sa “blood money” na kailangang bayaran ng mga OFWs na nakatakdang bitayin unless mapatawad sila ng pamilya ng napatay nila after pa-ying blood money.

May mga OFWs kasi na nakapatay in self defense ngunit nagiging biktima naman ng hometown decision sa ibang bansa, Ano naman nga ang laban ng isang OFW na pumatay in self defense kung ang pinatay niya ay taga-Saudi halimbawa? Ang pulis na nag-iimbestiga tagaroon din siyempre, gayun din ang fiscal at judge.

Ang tanong ngayon ay bakit ako pumapayag ng tanggalin ang pork barrel? Ang sagot? Papayag ako basta’t maglaan ang gobyerno ng at least P500 milyun para sasagot sa mga pangangailangan ng OFWs na may mga problemang tulad ng nabanggit ko. Bagamat may OWWA na, sinasagot lamang nila ang mga panga-ngailangan ng mga miyembro nila. Kapag non-member ang OFW, bitay o stranded siya.  

 

ANO

BAGAMAT

GAGAMITIN

HALATANG

KAPAG

KAYA

KONGRESISTA

TINA MONSON PALMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with