^

PSN Opinyon

‘Mag-ingat kayo sa kasakiman’

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - Pilipino Star Ngayon

PAALALA sa atin ng aklat ng Mangangaral na walang kabuluhan at walang halaga ang lahat ng bagay. Ang lahat ng ating mga pagsusumikap ayon sa karunungan, kaalaman at kakayahan ay mawawalan ng kabuluhan. Lahat ng kaligayahan at tagumpay at may kaakibat ding kabiguan. Ibig sabihin ang buhay sa daigdig ay pawang pansamantala lamang. Ang hinahanap sa atin ng Diyos ay pawang kabutihan bilang paghahanda sa tunay na buhay sa kabila.

“Poon amin kang tahanan, noon, ngayon at kailanman.” Sa liham sa mga taga Colosas ay hinihikayat ni Pablo na paglaanan natin ang mga bagay sa langit at hindi pawang mga makalupa na mga pita ng laman: Kahalayan, mahalay na simbolo ng damdamin, masamang nasa, pag-iimbot na isang uri ng pagsamba sa diyus-diyusan. Hubarin natin ang dati nating pagkatao at magbihis ng bago sa larawan ng Diyos.

Nakalulungkot pagmasdan ang isip at damdamin na-ting mga Pilipino.

Napakaraming naghahangad ng kapangyarihan sa pulitika. Henerasyon na ang pamunuan ng mga pulitiko na ang ambisyon ay manatili sa tungkulin at magpayaman samantalang ang nasasakupan ay pahirap nang pahirap. Kasangkapan lamang tayong mga bumuboto sa kanilang patuloy na pagyaman. Payaman nang payaman sila, tayo naman ay mga pulubi na lamang ng mayamang Pilipinas! 

Ipinaaalala sa atin ni Hesus na mag-ingat tayo sa lahat ng uri ng kasakiman, sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa laki ng kayamanan. Sa talinghaga ay winika ng Diyos sa isang tao na pawang hangad ay kayamanan: “Hangal! Sa gabing ito babawian ka ng buhay”. Ganyan ang sasapitin ng nagtitipon ng kayamanan para sa sarili, ngunit dukha naman sa paningin ng Diyos. Pinagninilayan ba natin ang mga panahon nakalipas sa atin? Tayo ba’y naging mapayapa sa ating patuloy na pagli-lingkod sa ating kapwa o pawang kasakiman?

Mangangaral1:2, 2:21-23; Salmo89; Col3:1-5, 9-11 at Lk12:13-21

* * *

Belated happy and blessed birthday (Agosto 2) to my professor Most Rev. Archbishop Angel N. Lagdameo, Archdiocese of  Jaro, Iloilo.

AGOSTO

ARCHBISHOP ANGEL N

COLOSAS

DIYOS

GANYAN

HANGAL

HENERASYON

HESUS

MOST REV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with