^

PSN Opinyon

Kris, makikipag-tandem kay Bongbong sa 2016 elections

SABI NI BUBWIT... - Deo Macalma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang nagbabalak na ring sumabak sa pulitika si Kris Aquino?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Brig. Gen. Dodo Eriberi, Judge Pablo Calvan, Mayor Arlene Arcillas ng Sta. Rosa City, Laguna, Bro. Ruel Clemente, Jomerly Poblete ng Cavite City, Judith Mangga at Karlo Martin Norberto Simon Cortez. Happy wedding naman kina Patty Tolentino at Virjohn Ocampo.

Ayon sa aking bubwit, naghahanda na palang kumandidato si Kris sa 2016 presidential elections. Hindi nga lang matiyak kung tatakbo siyang presidente o bise presidente.

Ang tiyak lamang dito ay nagpadala na siya ng emissary sa kampo ng pamilya Marcos dahil gusto niyang maka-tandem si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Mahirap paniwalaan pati na ang kampo ng mga Marcos ay duda rin dahil  alam nilang mortal na magkaaway ang kanilang pamilya sa larangan ng pulitika.
Ayon sa aking bubwit, seryoso ang ganitong plano sa pulitika ni Kris dahil ang ipinadalang emissary ay isang retired general na Marcos loyalist. Bukod dito, kasama rin ang isang Cabinet undersecretary na malapit kay President Noynoy Aquino. Isa ito sa mga kabarilan ng presidente.

Sa panig naman ng mga Marcos, hindi pa nila ito sineseryoso dahil malabo yatang magsama ang tubig at langis. Bukod dito, hindi pa rin tiyak kung ano ang gustong posisyon ni Kris.

Ang sabi naman ng kampo ni Kris, maganda ang magiging tandem nila ni Bongbong dahil ang magiging plataporma  nila ay para sa “genuine reconciliation.”

Abangan kung matutuloy ang Bongbong-Kris tandem sa 2016.

 

AYON

BONGBONG

BUKOD

CAVITE CITY

DODO ERIBERI

JOMERLY POBLETE

JUDGE PABLO CALVAN

JUDITH MANGGA

KARLO MARTIN NORBERTO SIMON CORTEZ

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with