Sino ang mas karumaldumal
SINO sa palagay ninyo ang dapat parusahan nang higit na mabigat: Ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan na nagiging dahilan ng paghihirap ng bansa o yung mga ordinaryong kriminal na nagnanakaw at pumapatay dahil sa kahirapan?
Nung panahon ni Presidente Estrada, tinatayang nasa $3.1 billion ang nawawala sa smuggling taun-taon. Tumaas ito sa $3.8-b noong panahon ni Gloria Arroyo na lalu pa raw tumaas at naging $19.6-b sa kasalukuyang administrasyon. Ito ay ayon mismo sa statistics ng International Monetary Fund (IMF).
Naging talk of the town ang Bureau of Customs sapul nang sabunin ni Presidente Noynoy sa kanyang State of the Nation Address (SONA) dahil sa di masupil na smuggling. Pero nang magsipag-resign ang ilang matataas na pinuno nito ay hindi naman tinanggap ng Pangulo.
Naka-focus tayo sa BoC dahil ito ang matinding hinataw ni P-Noy sa kanyang SONA Pero alam nating may iba pang ahensyang talamak ang katiwalian. Kung mababawasan man lang ng malaki ang ratio ng corruption, naniniwala akong sa isang iglap ay uunlad ang kabuhayan at mababawasan din ang mga nangyayaring krimen. Kasi giginhawa na ang buhay ng mga mahihirap.
Galit na galit tayo sa mga holdaper na pumapatay sa kanilang pinagnakawan pero ano ang pananaw natin sa mga taong siyang dahilan kung bakit gumagawa ang karaniwang mamamayan ng masama? Kung susumahin ang kabuuang halagang kinukulimbat sa kaban ng bansa niyaong mga pinagkatiwalaan nating mamuno sa pamahalaan, walang dahilan para lumaganap ang kahirapan sa Pilipinas.
Hindi natin dapat kunÂÂsintihin kahit ang maliit na krimeng kaÂgagawan ng isang taong nagugutom pero bago tayo humusga, tingnan muna natin ang dahilan kung bakit gumagawa siya ng masama. At kung uugatin natin, ang kahirapang nagbubunsod sa maralitang tao na gumawa ng krimen ay dahil sa mga gahamang nagsasamantala sa kanilang matataas na puwesto sa gobyerno.
Kung hindi dahil sa kanila, hindi kakapusin ng budget ang pamahalaan para sa mga programang pangÂkabuhayan ng mga mamamayan.
- Latest