^

PSN Opinyon

‘Nilamon ng palay’ (Huling bahagi)

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

PWERSAHAN siyang  hinugot ni ‘Nelson’ sa sidecar. Nakuha si Pandong na noo’y hawak pa ang dalawang ‘siopao’—pasalubong sa amang si Narding.

Bali-bali na ang kanyang buto at halos malasog ang katawan. Sa itsura pa lang ni Pandong, alam na nilang patay na ito. Nagbakasakali pa rin si Nelson, tinakbo pa niya ito sa ospital subalit sa ‘morgue’ na ito idiniretso.

Nung MIYERKULES, itinampok namin sa aming pitak ang kalunus-lunos na sinapit ng 25 anyos na si Fernando Balagtas Esla Jr. o “Pandong’  matapos madaganan ng ‘14-wheeler truck’ kargado ng daan-daang sako ng palay na minamaneho ni Pedro Mangrubang Barnachea, 47 anyos.

Unang nagsampa ng kasong Reckless Imprudence sa Prosecutor’s Office Agoo, La Union  si Nelson Quinit, nakakatandang kapatid na kumupkop kay Pandong.

Sa isinagawang ‘Inquest Resolution’ ni Asst. Prov. Prosec. Braulio Tade, parehong araw, ika-11 ng Disyembre 2012. 

Wala daw sapat na batayan at ‘di sumasapat ang ebidensya (prima facie) para makitaan ng probable cause ng taga-usig ang kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide and Damage to Property.

Dahil dito inutos niyang ibalik sa Philippine National Police (PNP), Rosario ang kaso para sa karagdagang imbestigasyon (RFI).

Sa muling pagsisiyasat ng mga pulis, nagpatunay ang may-ari ng  Biajeros Eatery kung saan huling pumunta at pinarada ni Pandong ang kanyang traysikel.

Ayon kay Janice Paran, pasara na sila ng kanilang kainan ng nakita niyang ‘di na pantay ang takbo ng trak na nakabalot ng tolda ng hintuin ng mga pulis sa checkpoint. 

Nakita niyang papunta na sa kanang bahagi ng highway ang trak sa kanilang gawi at biglang tumagilid… bumagsak sa traysikel kung nasaan ang biktima. Nakita na ‘overloaded’ ang trak ng mga sako ng palay.

Nagbigay rin ng salaysay si Joseph Refuerzo sa Rosario PNP kay SPO4 Edmund Malamion, ika-17 ng Disyembre 2012.

Pahayag ni Joseph, habang nasa tapat siya ng kainan/videoke bar kung saan nakaparada ang traysikel ni Pandong  na noo’y natutulog sa loob ng sidecar, napansin niyang nawawalan na ng kontrol ang trak na pinara ng mga pulis sa checkpoint.

Nang pabagsak na ito sa lupa pakanan. Pilit pa niyang ginising si Pandong subalit mabilis na bumagsak ang trak. Sa pagkabigla nanak­bo siya palayo para hindi mahagip at mabilis na pumasok sa eatery. Nahulugan si Pandong ng trak na puno ng mga palay.

Sa isinumiteng Joint Affidavit nila PO2 Jeramel Buyayawe at PO3 Allan Padilla, Police Non Commissioned Officers (NCO), miyembro ng PNP, Rosario, La Union, ika-20 ng Disyembre 2012, naabutan nila ang trak na nakatagilid na sa kanang bahagi ng highway.

Nawalan daw ng balanse ang trak. Matapos maging pabaya ang drayber sa pagpapaandar sa bahagyang palusong na daanan.

Nalaman nilang kargado ang trak ng 550 sako ng palay na may timbang na 41 kgs. kada sako. Kinumpirma ito mismo ng may-ari ng mga palay na si Agnes Tabon nang pumunta ito sa kanilang himpilan.

Una nilang nirefer ang kaso kay Asst. Prov. Pros. Tade subalit na-dismiss nga ito at binabang muli sa kanila para muling maimbestigahan.           

Sa ginawang kompyutasyon ni PO2 Buyayawe na may formula: 1 sack=41 kgs.  nakuha niya ang kabuuang bigat ng 550 sako ng palay ay 22,550 kgs. Nagpapatunay na 2,550kgs. ang sobrang timbang dahil nasa 20,000 kgs. lang ang bigat na pwedeng ikarga sa trak.

Ang mga daan-daang sako ng palay ay hindi maayos na isinalansan (kinamada) na naging dahilan din ng pagbagsak nito.

Nagkaroon ng pagdinig ang kaso sinampa ng mga pulis sa San Fernando City, La Union. Sa lumabas na resolution ni Associate Prov. Pros. Christian Gregory Follosco, pinuntos niya na totoo ngang ang kasong ito ay na- ‘dismiss’ subalit napalakas ng ito’y maisampang muli na kumpleto na ang mga papeles at ebidensya.

Napatunayang overloaded ang trak at sa ginawang imbestigayon ng mga pulis lumalabas na dapat ring managot ang may-ari ng palay sa pag-amin umano nito na overload ang trak subalit dahil sa kulang ang ebidensya para mapatunayan na merong sabwatan (conspiracy) abswelto ang may-ari ng palay.

Bilang drayber may pananagutan at may responsibilidad siya sa pagpapatakbo ng trak kaya’t nakitaan ng probable cause ng taga-usig ang kaso para iakayat sa  MTC-Rosario, La Union.

Marso 20, 2013, inilabas ang warrant of arrest ni Municipal Trial Judge Caroline B. Pangan ng MTC First Judicial Region, Rosario, La Union para kay Pedro Barnachea y’ Mangrubang para sa kasong Reckless Imprudence resulting to Homicide and damage to property. Itinakda ang piyansa sa halagang Php30,000.

Apat na buwan na mula ng mailabas ang warrant wala pa ring makapagturo kung nasaan ang drayber.  

Pagtataka ni Bing, nakikita pa daw nilang nagdi-‘deliver’ ang trak ng palay na pagmamay-ari ng mag-asawang Tabon. Gustong malaman ni Bing ang ligal na hakbang maari pa nilang gawin kaya’t nagsadya siya sa aming tanggapan.

Kahilingan niya ring ilathala namin ang istorya ni Pandong sa diaryo, sakaling may makapagturo sa kinaroroonan ng wanted na si Pedro.

Itinampok namin si Bing  sa CALVENTO FILES sa radyo. “Hustisya Para Sa Lahat” DWIZ882 KHZ (Lunes-Biyernes 3:00-4:00PM/ Sabado 11:00AM-12:00NN).

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, sa kasong Reckless Imprudence palagi namin sinasabi na pwedeng panagutin at habulin ang may-ari kapag dumating ang panahong nagsampa ang pamilya ng biktima ng kasong sibil para sa mga ‘damages’ dahil sa naturang pangyayari.

Dito papasok ang tinatawag na Quasi Delict. Nakasaad sa ating ‘Civil Code of the Philippines’, kapag ang drayber sa kanyang pagganap ng kanyang tungkulin kaugnay sa negosyo ng kanyang amo ay ‘di makabayad ng danyos sa kanyang napinsala, ang may-ari ang maaring habulin.

SA MGA NAKAKAKILALA kay Pedro Barnachea y’ Mangrubang, may alam sa kanyang kinaroroonan at maaring makapagturo kung nasaan siya,  makipag-ugnayan lamang sa aming tanggapan sa mga numero sa ibaba.

(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) Sa gustong dumulog para sa inyong problemang ligal magpunta lang sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166(Chen), 09213784392 (Carla), 09198972854 (Monique) o tumawag sa 6387285 at 7104038. Maari kayong lumiham sa pamamagitan ng ‘email’ sa [email protected].

 

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

 

LA UNION

PALAY

PANDONG

PARA

RECKLESS IMPRUDENCE

TRAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with