^

PSN Opinyon

Mansion ni Pacman sa Forbes ibinibenta na

SABI NI BUBWIT... - Deo Macalma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang ipinagbibili na ngayon ni Sa­ranggani Rep. Manny Pacquiao ang isa sa kan­yang mga mansion?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay  dating MMDA Chairman Bayani Fernando, Val Victa ng MBC-DZRH, Mr. Jimmy Serato ng Jimms Coffee, Karen Beltran, Bethany Resulta, Bro. Frederick Cerro, RC Asa ng KMU at Bro. Pabs Cervantes. Congratulations naman sa consecration and installation ni Bishop Joel Porlares ng Iglesia Filipina Independiente.

Ayon sa aking bubwit, dahil sa dami ng gastusin ni idol Manny Pacquiao, ipinagbibili niya ngayon ang kanyang mansion sa Forbes Park, Makati City. Bukod kasi sa bihira nitong mapuntahan ang kanyang mansion sa Cambridge St., North Forbes Park, umaaray na siya ngayon sa laki ng expenses.

Dahil sa dami ng mansion at bahay ni Pacquiao, ang kanyang mansion sa Forbes Park ay halos isang beses lang kung puntahan sa loob ng isang buwan. Ang mga nakatira lamang doon ay ang kanyang mga houseboy, kasambahay, driver at security guards.

Bukod sa kanyang mansion sa Makati, ipinagbibili na rin ni Pacman ang kanyang gym sa Sampaloc, Manila na pinatayuan pa ng building.

Ayon sa aking bubwit, sa dami ng mansion na kanyang mini-maintain, mga empleado, mga bodyguard, mga driver,  mga consultant at mga kamag-anak na umaasa sa kanya, halos kalaha-ting milyong piso kada isang araw ang kanyang ginagastos. Wow, mauubusan nga ng kuwarta si idol lalo na kung wala naman siyang negosyo bukod sa pagboboksing.

Pero ayon sa aking bubwit, dahil gipit sa cash ngayon si Pacquiao, sinasabi ng kanyang mga tauhan sa Forbes Park na ipinagbibili lamang ngayon ang mansion sa halagang P45-million.

AYON

BETHANY RESULTA

BISHOP JOEL PORLARES

BUKOD

FORBES PARK

KANYANG

MANSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with