^

PSN Opinyon

Panukalang Magna Carta for Filipino Seafarers

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

IPINUPURSIGE ni Acting Senate President Jinggoy Ejercito Estrada ang panukalang Magna Carta for Filipino Seafarers (Senate Bill 21) o kalipunan ng mga karapatan ng mga marino.

Aniya, ito ay magbibigay ng laman at ngipin sa pagpapatupad ng standards and welfare provisions na nakasaad sa Maritime Labor Convention 2006 na pangunahing isinulong ng International Labor Organization (ILO).

Si Jinggoy, bilang chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, ang nag-co-sponsor ng Resolution 118 para sa concurrence ng Senado sa ratipikasyon ng MLC 2006. Sa pag-adopt ng Senado ng resolusyon noong Agosto 13, 2012 ay naging ika-30 ang Pilipinas sa mga bansang nagratipika ng MLC 2006.

Base sa impormasyon, humigit-kumulang na 360,000 Pilipino ang nagtatrabaho sa global maritime industry o 30 porsiyento ng kabuuang 1.2 milyong marino sa international shipping, habang 40,000 naman ang nasa local maritime industry.

Kabilang sa isinasaad ng SB 21 na mga karapatan ng mga marino ang: Self-organization, collective bargaining and participation in democratic exercises; educational advancement and training; adequate and relevant information regarding their rights and benefits, conditions and realities attendant to their profession; consultation before adopting any policy or regulation that may affect them; non-discrimination by reason of race, sex, religion and political opinion; access to communication; decent wage rates; eight-hour work period; annual leave (minimum of 2.5 calendar days per month of employment); health and medical care; social welfare benefits; expeditious dispute settlement and complaint procedures; at reintegration programs (livelihood development, training and placement services) offered by concerned government agencies.

Ayon kay Jinggoy, “Ang Magna Carta for Filipino

Seafarers ay magpapatibay sa pagkilala at pagrespeto sa mga karapatan, kapakanan at pag-unlad ng mga marino at kanilang pamilya.”

* * *

Binabati ko ang mga kaibigan ng pamilya Estrada na sina Mr. and Mrs. Reggie and Abigail Vizmanos ng T.S. Cruz Subdivision sa Novaliches, Quezon City, at ang kanilang mabait, maganda at matalinong anak na si Renee Agnes na nagdiriwang ng kaarawan ngayong Hulyo 20.

 

ACTING SENATE PRESIDENT JINGGOY EJERCITO ESTRADA

ANG MAGNA CARTA

CRUZ SUBDIVISION

EMPLOYMENT AND HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT

FILIPINO SEAFARERS

INTERNATIONAL LABOR ORGANIZATION

MAGNA CARTA

MARITIME LABOR CONVENTION

MRS. REGGIE AND ABIGAIL VIZMANOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with