^

PSN Opinyon

Corruption ‘lumala’ sa P-Noy admin

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NAGLULUNDAGAN sa tuwa ang mga kaaway ng Noy­noy Aquino administration, karamihan mga katoto ni ex-President Gloria Arroyo. Lumabas kasi kamakailan ang Global Corruption Barometer 2013, batay sa surveys ng Transparency International. At sa 1,000 tinanong na Pilipino, anim sa bawat sampu (62%) ang nagsabing nagpatuloy o lumala ang corruption sa tatlong taon ni P-Noy. “Slogan lang naman ‘yang ‘Daang Matuwid’!” sigaw agad ng kampo ni Arroyo.

Namamalik-mata ang mga maka-Arroyo. Sa sinabi ng survey respondents na “nagpatuloy o lumala” ang katiwalian sa ilalim ni P-Noy, ang pinagmulan nila ay ang nakaraang admin ni Arroyo. Ibig sabihin, marumi rin ang kay Arroyo. Kung rerepasuhin, lahat nang maari ay pinagnakawan noon: Development Bank of the Philippines, rice imports, fertilizers, biik, helicopters ng PNP, militar, NBN-ZTE, atbp.

Pero totoo ngang nagpatuloy o lumala ang katiwalian kay P-Noy. Ito’y dahil sa maling palagay niya na lahat ng appointees niya ay malinis, at dahil malinis sila ay naglaho na rin lahat ng kawatan sa burokrasya. Aba’y laganap ang smuggling sa buong bansa, ang pagluluto ng public biddings sa riles at plaka ng sasakyan, at pagka-cartel ng mga kompanya ng langis. Pero sa isip ni P-Noy ay matuwid lahat dahil kapartido niya sa Liberal ang mga pinuno ng Bureau of Customs, Dept. of Transportation and Communications, at Dept. of Energy. Ayon sa Global Corruption survey, pulisya ang pinaka-tiwaling ahensiya.

Hindi lang sa ehekutibo ang katiwalian. Di kuntento sa kickbacks sa pork barrels ng Kongreso, pati operating funds ng Senado ay binulsa bilang Christmas bonus. Aregluhan pa rin ng mga kaso sa korte. At komisyunan pa rin sa mga kontrata sa Comelec.

* * *

Makinig sa Sapol, Sa­bado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

BUREAU OF CUSTOMS

DAANG MATUWID

DEVELOPMENT BANK OF THE PHILIPPINES

GLOBAL CORRUPTION

GLOBAL CORRUPTION BAROMETER

P-NOY

PERO

PRESIDENT GLORIA ARROYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with