2 day car ban pinalagan!
NAUUNAWAAN ko ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nang palutangin sa media ang planong gawing dalawang araw kada linggo ang number coding. Testing the water wika nga. Eh kung walang umangal dito eh di green and go!
Kaso marami ang nagalit. Mantakin mo nga naman na ang tao’y nagbabayad ng road users tax tapos babawalang gamitin ang kalsada? Ang sabi ni MMDA Chair Francis TolenÂtino, kailangan ang sakripisyo. Naniniwala ako diyan pero huwag naman yung sobra-sobra na maaapektuhan na ang kabuhayan ng mga mamamayan. Ang siste kasi ay palaging ordinaryong mamamayan ang nagdurusa. Walang bahagi sa sakripisyo yung mga mayayamang truckers at operators ng pampublikong sasakyan.
’Yun nga lang minsan isang linggo ay medyo hassle na tapos gagawin pang dalawang beses? Dahil sa paglago ng populasyon ay dumarami rin ang mga bumibili ng sasakyan as a matter of necessity. Hindi ito luho kundi pangangailangan ng mga tao sa isang bansang kulang sa public transportation. Papaano kung ipatupad ang ganyang sistema at katagala’y magsikip pa rin ang trapik? Baka gawin nang tatlong araw ang car ban hanggang sa tuluyan nang ibawal ang mga sasakyan sa kalsada.
Nang maramdaman ng MMDA na marami ang pumapalag kasama na ang ilang mambabatas, agad sinabi ni MMDA Chair Francis Tolentino na “plano pa lang ito.â€
Kaya napipilitang bumili kahit segunda-manong sasakyan ang mga tao ay dahil kailangan nila ito sa harap ng matinding kakulangan ng pampublikong transportasyon.
Kung tutuusin, wala namang problema sa kasalukuÂyang 1-day car ban na ipinatutupad. Nagsimula lamang lumubha ang takbo ng trapiko nang magsagawa ng sabay-sabay na pagkukumpuni ng kalsada ang Department of Public Works and Highways. Bakit nga ba kailangang pagsabay-sabayin ito? Dahil na rin sa mga road reblocking na ito nagkakaroon mga pagbaha kapag matindi ang ulan.
Political will ang kailaÂngan. Isulong nang walang pag-aatubili ang planong iretiro na ang mga bulok at karag-karag na sasakÂyan lalu na yung mga ipinapasada. Iligpit na rin ang mga kolorum na sasakyan. Ang mga iyan ang numero unong dahilan ng matinding trapik.
- Latest