DOT ningas-cogon sa BI ‘M O N E Y L A U N D E R I N G FEES’
NAGPADALA ng mensahe ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, para kalampagin ang Department of Tourism tungkol ito sa US$250,00 na ‘laundry fees’ ng bawat isang foreign passenger ng Royal Carribean Cruise Ship na dadaong sa Philippines my Philippines para mamasyal ang kanilang pasahero sa mga lugar na pinagmamalaki ng DOT.
Nagsumbong kasi ang mga opisyal ng RCCL sa mga opisyal ng DOT ng magkaroon ng pagpupulong sa US of A kamakailan.
Napahiya ang ilang opisyal ng DOT kaya naman hiniÂhingan nila ng paliwanag si BI Commissioner Ric David Jr., tungkol sa sumbong ng RCCL.
Ano na ang nangyari sa paliwanag at sumbong ng DOT sa BI?
Sagot – mukhang walang nangyari dahil tahimik ang magkabilang ahensiya ng gobierno.
Siguro dapat makarating ang kahihiyan nangyari sa kaalaman ng mga mambabatas dyan sa Kongreso para ito ang magsagawa ng masusing imbestigasyon sa ‘singilan blues’ ng Bureau of Immigration Bay Boarding Services . Ano sa palagay mo BI – BBS acting section chief Teody Pascual?
Ganito kasi ang nangyari nakakuha ng kopya ng letter kamakailan ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, from DOT Undersecretary Atty. Maria Victoria Jazmin address to BI Commissioner Ricardo David para linawin ang tungkol sa US$250.00 as laundry fee sa bawat foreign passenger na bababa ng barko at mamasyal sa Philippines my Philippines.
Ang tawag ng mga bugok sa BI – BBS sa singil nila ay laundry fee. Ano sa palagay mo BI Bay Boarding Service acting section chief Teody Pascual? Tama ba ito?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kontrobersyal, ‘expose’ corruptions at scandal ang pseudo term “laundry fees†na sinisingil ng BI – BBS. Tama ba, acting section chief Teody Pascual?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang tumahimik ang Department of Tourism at walang nangyari na sa mismong reklamo ng Royal Caribbean Cruise Limited (RCCL), nakabase sa Miami, Florida, US of A.
Bakit kaya?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat maging seryoso ang DOT sa reklamo ng RCCL sa BI kaya dapat ilabas o ipa-presscon ang tungkol sa imbestigasyon kung ano ang nangyari para patawan ng parusa ang mga kurap dyan sa BI – BBS. Tama ba, BI-BBS action chief Theody Pascual?
Ano nga ba ang pseudo term “laundry fees†na ito? Wala itong kaugnayan sa mga labada, isa itong illegal fees na sinisingil ng mga immigration boarding inspectors ng Bureau of Immigration -Bay Boarding Services. Tama ba naman ito, acting section chief, Theody Pascual?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ito kaya ay isang under-the-table package arrangement na itsina-charge sa mga pasahero ng foreign ship na bumababa sa Philippines my Philippines para mamasyal. Ito ay diumano’y isang illegal na kabayaran sa mga immigration boarding inspectors ng Bureau of Immigration -Bay Boarding Services.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas matindi ito dahil questionable stamping clearance at inspection ng passports at ang pinaka-grabe at delikado dito ay hindi na sumasa ilalim ang mga pasahero sa kina kailangan ‘prior derogatory checkings’ para duon sa mga restricted/high profile aliens for our national security safety?
P50,000 diumano ang singilan dito para walang maraming kuskos balungos?
Naku ha! Totoo kaya ito?
Abangan.
- Latest