Hustisya sa pangungulimbat ni Gen. Garcia, makamit kaya?
POSITIBO ang pahiwatig ng temporary restraint ng Korte Suprema sa plea bargain ni Gen. Carlos Garcia. Una, itinaguyod nito ang karapatang mamagitan ang Solicitor General sa mga kaso sa korte bilang “people’s tribune.†Ikalawa, tinuya nito ang mga palihim na kasunduan ng Sandiganbayan at Ombudsman. Ikatlo, kinatigan ang habla sa Kongreso ng betrayal of public trust ni noo’y-Ombudsman Merceditas Gutierrez. Higit sa lahat, ibinalik mula pagkadiskaril ng paghahanap ng hustisya sa P303-milyong pangungulimbat ng dating military com ptroller.
Nu’ng una, animo’y patay na ang kaso. Kasi pasikÂretong pinagaan ni Gutierrez ang kaso; mula no-bail at life term sa plunder, naging direct bribery at money laundering, hanggang 12 pinagsamang taon na kulong. Pumayag ang Sandiganbayan, kaya nabasura ang naunang masusing pag-imbestiga at pag-audit ng nakaw na yaman. Mahigit limang taon na noon nakakulong si Garcia, nililitis matapos i-expose (ko) ang malimit niyang pagdedeposito ng malalaking halaga sa America.
Sa plea bargain, ipinasoli kay Garcia ang P135 milÂyon lang na loot. Lusot na sa kasong plunder ang asawa’t tatlong anak. At hinayaan siyang magpiyansa ng P60,000 lang. Sa madaling salita, magtatamasa sila nang labis sa ninakaw nila. Wala nang obligasyon si Garcia na isuplong ang mga kasapakat na heneral. Hindi na pagsisisihan ang pagkasawi ng mga sundalo na, dahil sa plunder niya, ay pinagkaitan ng armas at botas.
In-impeach ng Kongreso si Gutierrez, na nag-resign bago malitis ng Senado nu’ng 2011. Pinahabol ni President Noynoy Aquino sa Sol-Gen ang kaso, at ipinakulong muli si Garcia. Didinggin pa ng Korte Suprema ang merito ng tinutuligsang plea bargain. Kapag ibinasura ito ng Korte, itutuloy muli ang paglilitis ni Garcia sa kasong plunder.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected] bago malitis ng Senado nu’ng 2011. Pinahabol ni President Noynoy Aquino sa Sol-Gen ang kaso, at ipinakulong muli si Garcia. Didinggin pa ng Korte Suprema ang merito ng tinutuligsang plea bargain. Kapag ibinasura ito ng Korte, itu-tuloy muli ang paglilitis ni Garcia sa kasong plunder.
* * *
Makinig sa Sapol, SaÂbaÂdo, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest