^

PSN Opinyon

Taguig mayor

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Ngayo’y itatampok sa aking pagtula

Ang mayor ng Taguig na isang diwata;

Palibhasa’y okey ang pamamahala

Sa pangatlong term – hawak ang bandila!

 

Lani Cayetano ang butihing mayor

Ang kanyang asawa ay isang senador;

Magkatuwang sila sa dakilang misyong

Ang bansa at Taguig lalo pang yumabong!

Narito sa Taguig: Bonifacio Global City

Building matataas at pagkalalaki;

Ang Market at SM ay kapwa narine –

Sa dukha’t mayama’y pasyalang mabuti!

 

At saka narito ang maraming kampo

Kampo ng heneral at mga sundalo;

Bayaning namatay – may libingan dito

At may libingan din mga common tao!

 

Dahil sa malawak ang lunsod ng Taguig

Ang magpasyal-pasyal di ko naiisip;

Baka kung lumayo sa tahanang langit

Sa laki ng s’yudad di na makabalik!

 

Nalipatang bahay ay sakop ng lunsod

Ang umalis dito’y hindi pa matalos;

At bakit aalis sa bayang malusog

Ang kasama rito’y mayama’t busabos!

 

Di pa nagtatagal nang kami’y lumipat

Sa Acacia Estate ng lunsod na sikat!

Municipal building di pa naaakyat –

Sa office ng mayor baka ako’y hamak!

vuukle comment

ANG MARKET

BAYANING

BONIFACIO GLOBAL CITY

DAHIL

KAMPO

LANI CAYETANO

MAGKATUWANG

SA ACACIA ESTATE

TAGUIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with