^

PSN Opinyon

Kawawang Pinay

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HINDI pa halos natatapos ang isyu sa mga minolestiyang mga runway na pinay sa iba’t-ibang lugar sa Gitnang Silangan ng mga sinasabing mga taga - Embahada pa ng Philippines my Philippines ito na naman ang nakakalungkot na balita, ginisa este mali ginahasa pala ang isang OFW ng tatlong manyakis na Arab looking people  kaya naman ‘crying in the rain’ ito at humihingi ng ‘justice’ hindi lang sa gobierno natin kundi maging sa pamahalaan ng Kuwait.

Bakit ?

Niyari ito kasi ng dalawang kamoteng Kuwaiti na lespu at isang manyakis na Egyptian national matapos ang crackdown sa mga haybol na pinasok ng mga buhong para maghanap ng mga illegal alien este mali workers pala..

Ang bebot ay isang 36 years old na may dalawang anak at sinasabing taga - Nueva Ecija kaya naman umiikot ang puwit ng ating Department of Foreign Affairs para tulungan ang biktima ng yarian blues.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ginawa ng mga three manyakis  ay natimbog naman sila ng Kuwait Ministry of Interior dahil hindi sila pinalusot ng biktima at inireklamo sabay sampa ng case problem sa mga ito.

Sabi nga, bhe, buti nga !

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bitay as in death ang penalty ng tatlong gago dahil hindi biro ang batas sa Kuwait kung gagawa naman ng paraan ang mga kamoteng ito tiyak susuka sila ng malaking salapi sa biktima.

Sabi nga, dapat lang !

Binulabog kasi ang lugar ng Jleeb Al-Shuyoukh ng magkaroon ng massive crackdown laban sa mga illegal residents doon kaya naman nakakapsok ang mga authorities sa mga haybol na gusto nilang pasukin.

Ang tatlong kamote ay himas rehas ngayon sa Jeeb Al - singa este mali Shuyoukh pala waiting sa kanilang punishment. Hehehe !

Natutuwa ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa super bilis na aksyon ng mga authorities ng ireklamo ng biktimang bebot ang tatlong manyakis dahil nasilo ang mga ito last June 21.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa kuentuhan last June 17 ay may nag-knock - knock sa pintuan ng biktima habang siya ay solo katawan sa kanilang haybol dahil ang mga kasamahan nito noong mga time na iyon ay alaws nasa hotraba sila lahat.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, binukasan naman ng biktima ang door nila pero biglang pumasok ang isa sa mga buhong in police uniform at nangungulit kung nasaan ang kanyang ‘civil identification card,’ sabay pasok ulit ng isang lalaking naka-all black at hinalikan lamang siya at umalis.

Nang maiwan ulit sila ng lespu ay pinuersa na ito para hasain este mali gahasain pala pagkatapos ay tumalilis sabay pasok naman ng isang Egyptian national at ganoon din ang ginawa at pagkatapos ay isa pang lespu ang yumari dito.

Ang hindi alam ng mga kamote ay may nahulog na posas ng lespu sa sahig habang niyayari ito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ito ngayon ang nagsilbing isa sa malakas na evidence na lespu nga ang tumira sa kanya.

Last June 21, nasungkit ang tatlong buhong sa awa ng Pa­nginoon. Nasa kalaboso sila at naghihimas ng kanilang mga et-et.

Penalty sa oil spill company

SIGURO dapat magpataw ng mas mabigat na parusa sa sino man company na magkaka-problema o makakapinsala sa Pasig river echetera. 

Sabi ni Presidential Adviser on Environment Concerns  at Laguna Lake Development Authority General Manager Nereus Acosta na malinaw na may paglabag sa Clean Water Act ang Larraine and Marketing o L& M Oil Depot, ang kumpanyang responsable sa naganap na oil spill sa Pasig River nuong Sabado ng Gabi.

Ayon kay Acosta, na may hurisdiksyon sa mga pasilidad na nakatayo sa paligid ng Ilog Pasig.

Sabi ni Secretary Acosta, nagpadala na sila ng grupo para sumuri ng lawak ng naging pinsala ng oil spill na nakumpirmang galing sa pasilidad ng L & M.

Ipinaliwanag ni Sec. Acosta na sa naganap na oil spill, malinaw na sumobra sa maximum na waste water discharge ang nasabing kumpanya.

Ang minimum na penalty umano na maaring ipataw ng LLDA bunsod ng nasabing paglabag ay sampung libong piso kada araw.

Gayunman, ipinaliwanag ni Secretary Acosta na pag-aaralan din nila ang pagpapataw ng mas mataas na multa, at ang posibilidad na patawan ang kumpanya ng panibagong penalty.

Sinabi rin ni Secretary Acosta na posible silang magpalabas ng cease and desist order laban sa L & M kung saan iuutos nila ang pagpapasara sa mga tubo nito na daluyan ng waste water patungo sa Pasig River, pero hihintayin na raw muna nila na matapos ang ginagawang assesment ng kanilang tanggapan na pagbabatayan ng nasabing kautusan.

Abangan.

ACOSTA

AYON

CLEAN WATER ACT

NAMAN

PASIG RIVER

SABI

SECRETARY ACOSTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with