^

PSN Opinyon

Sin tax ‘wa-epek’?

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NANG tinatalakay pa ang bill sa “sin tax” bago maging batas, may ilang mambabatas na tumutol. Kabilang diyan si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos na nagsabing lalu lamang mahihikayat ng ganyang batas ang smuggling ng sigarilyo at alak sa bansa. At kung lalaganap ang smuggling, murang maibebenta ang kalakal at maaapektuhan yung mga lokal na produkto.

Marami ring ordinaryong mamamayan lalu na yung mga nasa industriya ng alak at yosi, kasama na yaong mga lulong sa bisyo ang tumutol. Mantakin mo nga namang dodoble ang halaga ng kanilang tinatangkilik na produkto.

Ngayo’y isang taon nang ganap na batas ang bill na ito pero ayon kay Marcos, ni singkong-duling ay wala pang nakukulektang buwis ang pamahalaan sapul nang ito’y maging batas noong isang taon.

Pabor ako sa batas na ito hindi lang dahil sa makokolektang buwis kundi umaasa ako na mababawasan nang malaki ang bilang ng mga naninigarilyo at tumotoma.

Ayon kay Marcos nagkatotoo ang kaniyang hinala.

“Just on a related note, can you please note, that the Sin Taxes, as has been passed, wala silang nakolekta kahit isang sentimo because precisely of the things I’ve brought up during the debates on the floor,” pahayag ni Marcos.

Kapuna-puna rin na ang dami ng nakikita nating naninigarilyo at tumotoma ay hindi naman nagbago. 

Maganda sana ang batas na ito pero dapat gumawa ng aksyon ang gobyerno para masugpo ang mga nagaganap na smuggling ng alak at sigarilyo na tila naibebenta ng mas mura kaysa doon sa mga produktong lehitimong nagbabayad ng malaking buwis.

Iyan mismo ang iprinotesta ng mga nasa industriya ng alak at sigarilyo nung hindi pa nagiging batas ang sin tax.

Ayon kay Marcos rerepasuhin ang nasabing batas isang taon matapos itong maging batas upang alamin ang mga depekto nito. Dapat lang. Aanhin ang batas kung hindi rin lang naipatutupad nang maayos?

AANHIN

AYON

BATAS

BONGBONG

DAPAT

FERDINAND

IYAN

SIN TAXES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with