^

PSN Opinyon

Investment Resources Inc. vs. Yinlu Bicol Mining Corp.

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

THE other day ay isinulat ng Chief Kuwago ang isyu sa pagitan ng Yinlu Bicol Mining Corporation at ang Investment Resources Inc., ang pinagtatalunan ay ang ‘mining permit.’

Kaya naman para sa patas na pamamahayag ay ilalabas ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang sagot sa mga akusasyon ng Yinlu Bicol Mining Corporation ng IRI para ang madlang public o korte na lamang ang maghugas este mali humusga pala sa kanilang pinagtatalunan isyu.

It’s a big lie! Sabi ng  Investwell Resources, Inc. (IRI), isang mining company regarding sa mga akusasyon sa kanila ng Yinlu Bicol Coporation na inisyuhan sila ng mining permit ng gobierno, sa kabila nang mayroon pa silang kinakaharap na aso este mali kaso pala.

Ibinida ng IRI sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matapos na magpalabas ng press statement ang Yinlu Bicol Mining Corporation kamakailan na humihiling sa Department of Environment and Natural Resources na bawiin ang kanilang mining permit.

Naku ha!

Paano ngayon ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, iginigiit ng IRI, na malisyoso diumano ang akusasyon ng Yinlu Bicol Corporation at nilinaw na wala silang kasong kinakaharap sa gobierno dahil sila ay ibang kumpanya sa Investwell Minerals Development Corp.

Sabi nga, different company!

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nilinaw ng IRI na ang inaprubahan lamang ng DENR ay ang Deed of Assignment ng MPSA o Mineral Production Sharing Agreement ng ibang company na Tran-Asia sa IRI, at hindi pa ito ang permit para sa large-scale mining operations na nais nilang pasukin.

Naku ha!

Paano ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isinumite diumano nila ang Deed of Assignment para ma-review at maaprubahan ng DENR noon lamang November 8, 2011, at inabot pa umano ng 14 months before itong tuluyan naaprubahan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ginilitan este mali iginiit pala ng IRI na ang akusasyon na ang kanilang principal na si Mr.Yii Ann Hii ay pinagbawalan ni dating DILG Sec. Jesse Robredo sa pag-operate ng minahan sa Bicol, ay ‘very big lie’ lamang.

Ang akusasyon na si Mr. Yii Ann Hii ay sinampahan ng “theft of minerals” ay tumutukoy sa Marinduque, at hindi sa Bicol.

Sabi nga, “No mining was done. No ore was shipped out,”

Ika nga, anong kaso ang sinasabi?

Ibinida sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng IRI na ang kanilang company at ang kanilang principal ay committed na mag-invest sa Philippines my Philippines at tumulong sa pagpapakita ng posibilidad tungkol sa  ‘responsible mining.’

Sabi ng IRI sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, “We have gone through and will continue to go through the tedious process of complying with the regulations. All we want is for the government to insure that there is a level playing field and the rule of law,”

DOTC, LTO, MMDA at LGU’s Traffic enforcer (part 1)

 TAPOS na ang eleksyon kalmado na ang mga supporter ng mga bawat kandidatong nanalo man o natalo kaya naman dapat balik na sa ‘normal situation’ ang madlang people sa Philippines my Philippines..

Kaya siguro dapat ng umaksyon ng maayos sina MMDA chairman Francis Tolentino, na sinabon kamakailan ni P. Noy dahil sa grabeng traffic sa kalsada (bhe, buti nga ), DILG Secretary Mar Roxas, DOTC,  LTO at mga LGU’s traffic enforcer sa issue ng mga pedicab, kuliglig at tricycle na panay ngayon ang paandar at nagkalat sa mga pangunahin lansangan ng Metro - Manila kaya naman grabe as in grabe kung makasagabal ito sa kalsada.

“Hindi ba bawal sila dito?’

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ilalim ng regulasyon at alintuntunin ng Land Transportation Office ang tricycle, kuliglig o pedicab ay hindi puedeng pakalat-kalat sa mga pangunahin kalsada sa Metro - Manila dahil delikado ito hindi lang sa mga motorista lalo na sa mga pasahero nito at lalo na sa traffic.

Bakit?

Bukod sa walang insurance parang sila ngayon ang “King of the road.’ Hehehe!

Walang naman kasing tatanggap na insurance sa mga ito para ma-insure ang sasakyan nila, driver at pasahero nilang sakay.

Bakit?

Hindi papasa sa insurance standard!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, karamihan sa mga driver ng tricycle, pedicab at kuliglig ay walang mga driver’s license at ito anila ay alam na alam ng mga ahensiya ng gobierno lalo na ang LTO pero bakit pinapayagan nila?

Bakit nga ba?

Sagot - walang political will ang mga ahensiya may kinalaman sa kanila at ang masama pa diumano ay ang pakiusap ng mga LGU’s lider sa mga lugar na pinamumugaran ng mga ito.

Abangan.

ASSET

IRI

KUWAGO

MINING

MISMO

ORA

SABI

YINLU BICOL MINING CORPORATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with