^

PSN Opinyon

Manila Urban Renewal Campaign

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

NAPAKALAKING challenge ang pagpapabalik ng dating sigla, progreso, ganda at kinang ng Maynila o Manila Urban Renewal Campaign ni Mayor Erap Estrada.

Matindi kasi ang naging mga problema sa lungsod, tulad ng pagkabaon ng lokal na pamahalaan sa ma­laking utang, paglala ng krimen, paglobo ng bilang ng mga walang trabaho at walang bahay, demoralisasyon sa hanay ng mga pampublikong kawani partikular ang mga titser at mga pulis dahil sa madalas na delayed na pagbibigay ng kanilang suweldo, allowance at iba pang benepisyo, at marami pang iba.

Hindi madali ang solusyon sa mga problemang ito. Pero buo ang kumpiyansa ng iba’t ibang sektor at mismong mga Manilenyo na maisusulong ni Mayor Erap ang matagal na nilang pinapangarap na pag-unlad ng kanilang buhay.

Konkreto ang mga binalangkas na aksyon ni Mayor Erap: Paghikayat sa mga investor kasabay ng  pagsuporta sa maliliit na nagnenegosyo tulad ng mga vendor, malawakang patrabaho, rehabilitasyon at pangangalaga ng mga lugar-pasyalan tulad ng tourist sports at green spaces/parks, pangangasiwa ng basura at paglilinis ng buong kapaligiran.

Marami nang nabubuong ideya tungkol sa pagpapatupad ng mga ito, tulad ng mga sumusunod: 1.) Para pumasok ang mga negosyante: Mag-install ng mga CCTV cameras sa mga susing lugar ng lungsod, palakasin ang police visibility, palakasin ang partisipasyon at volun­teerism ng mamamayan sa peace and order campaign, at sugpuin ang tong at korapsyon; 2) Para lumawak ang trabaho: I-hire ang mga mamamayan sa malawakang mga public projects tulad ng waste management at paglilinis ng kapaligiran, rehabilitasyon at pag-maintain ng mga tourist spots, at pangangalaga ng mga puno at green spaces/parks; 3) Para sa pabahay: Gumamit ng “green techno­logy” o mga pamamaraan at mater­yales na matipid at maka-kalikasan, at puwede ring tumulong mismo ang mga benepisyaryo sa kons­truksyon ng kanilang magiging bahay.

Sa ganitong ka-de­talyado at kalinaw na mga plano ni Mayor Erap, ang iba’t ibang sektor at mga mamamayan mismo ng Maynila ay makatutulong at makalalahok sa mga aktibidad hinggil sa Manila Urban Renewal Campaign laluna’t sila ang pangunahing makikinabang sa mga ito.

GUMAMIT

KONKRETO

MANILA URBAN RENEWAL CAMPAIGN

MANILENYO

MARAMI

MAYNILA

MAYOR ERAP

MAYOR ERAP ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with