Dr. Joseph Villanueva
SI Dr. Joseph Villanueva ay naging sentro ng usap-usapan dito sa Davao City dahil sa kanyang pilit na pagkumpiska ng mga camera ni King Rodriguez ng Sunstar Davao at ni Robinson Niñal ng Mindanao Daily Mirror sa kalagitnaan ng sunog sa old building ng Davao Mental Hospital noong nakaraang Miyerkules.
Isipin na lang ang isang scenario na imbes na ang mga pasyente ng mental facility and atupagin sa gitna ng isang malaking sunog eh, naging abala sa paghabol ng mga cameramen ng television at photographers ang mga personahe ng Davao Mental Hospital.
Ganun ang nangyari kay Villanueva at sa ilang staff niya na nagpupumilit na kumpiskahin ang mga camera ng mga photographers at nakapag-delete nga sila ng ilang photos noong kasagsagan ng nasabing sunog.
Ngunit sa awa ng Diyos wala namang ni isa sa may 197 na pasyente ang nasaktan sa nasabing sunog na tumupok sa isang 95-taong gusali ng Davao Mental Hospital.
Hindi na nakapanayam ng media si Villanueva pagkatapos na humingi ng despensa para sa kanya ang kanyang boss na chief of hospital ng Southern Philippines Medical Center at ng Davao Mental Hospital na si Dr. Leopoldo ‘Bong’ Vega.
Sinabi ni Vega na wala siyang kaalam-alam na nangyari sa pagitan ng mga mediamen at ni Villanueva noong nangyari ang sunog. At maayos naman na nagkaintindihan sa isang dialogue ang mga mediamen at si Vega ukol sa kung ano ang dapat at hindi dapat sa coverage.
Ngunit sa isang bahagi naman ay kahit na baguhan pa at may kulang pa si Villanueva sa kanyang media relations skills, saludo pa rin ako sa kanyang dedikasyon at buong pusong pag-aalaga sa mga pasyente ng Davao Mental Hospital.
Hindi lang siniguro ni Villanueva ang kapakanan ng kanyang mga pasyente ngunit talagang sinikap niya na maprotektahan din sila sa mga mapangahas na mata ng publiko.
Sana, sa susunod maintindihan din ni Villanueva na mga responsible naman ang mga mediamen na alam namin kung ano lang ang dapat maisapubliko sa mga larawan at video footages.
Minsan nga lang may mga lumalabas na gusot, mahirap lang talaga na parang mas masahol pa sa mga problema ng mga pasyente sa Davao Mental Hospital ang inaasal ng mga health personnel na nag-aalaga sa kanila. KaunÂting lamig lang ng ulo ang kailangan.
- Latest