Nasa tamang landas si Cayetano
KADALASAN ang pagiging atat na atat sa puwesto ang nagsasadlak sa kapahakan ng mga suporters ng kandidato. Iyan ang puna at napansin sa kaguluhang naganap noong Sabado diyan sa Taguig City, mantakin po ba ninyo mga suki, maayos naman ang pagma-martsa ng mga supporter ng tumatakbong mayor na si Rica Tinga sa harapang ng City hall, nang walang anu-ano’y biglang bumaling itong si candidate Tinga papasok ng gusali ng City hall. Siyempre dahil siya ang lider natural na susunod ang kanyang mga kabig at sa biglaang reaksyon at pagkabigla ng mga nakatalagang Peace and Order Safety Office (POSO) naisara ang gate ng City Hall na ikinagalit ng mga tagasuporta ni Tinga. Kaya ang sumunod na kabanata umaatikabong bakbakan at pukulan ng bato sa pagitan ng mga supporter ni Tinga sa nagdidipensang tauhan ng POSO, ang resulta nagkabukol-bukol at pasa ang inabot ng mga taga POSO at sa mga mararahas na supporters ni Tinga. Iyan ay hindi maitago sa CCTV na naka-installed sa kapaligiran ng City Hall. Hindi naman dapat nangyari itong kaguluhan kung naging mapagtimpi at magaling na lider itong si Rica Tinga, Ayon yan sa mga kausap ko diyan sa Taguig. Kasi nga ang pagiging selfish o pagiging makasarili ng ilang suporters at mismong si Tinga nga ang naging dahilan ng kaguluhan na ikinasakit ng katawan ng may 11 at ni Councilor Ervic Vijardre ng itaboy sila ng mga POSO personels. Bakit naman kasi nagmamadali itong si Tinga at ang kanyang kabig na makapasok sa City Hall gayong kampanyahan pa lang naman at hindi tamang lugar at oras na pumasok sila sa naturang gusali dahil sa May 13 pa naman huhusgahan ng kanilang boto. Ngunit sa kabila ng akusasyon ni Tinga bukas palad naman itong si re-electionist mayor Lani CayeÂtano na maÂging payapa ang kanilang lugar. Malakas ang boses nitong nanawagan sa kanyang mga suporters at kabaÂbayan na naging mahinahon upang maging mapayapa ang kanilang lungsod. Nasa tamang landas nga itong si Lani Cayetano sa tingin ng mga taga Taguig dahil ang nais niya ay katahimikan. Hindi naman kasi nakukuha sa karahasan ang pagiÂging lider ng lungsod. Kaya ang payo ko sa inyong mga taga-Taguig maging mapanuri kayo sa pipiliing mayor ng inyong lungsod dahil kung sa halagang P100 lamang ninyong ipagpalit ang inyong boto tiyak na mas malaking halaga pa ang mawawala sa inyong kinabukasan. Kasi nga kung kay Lani Cayetano tiyak ang proyektong Edukasyon, Kalusugan, Infrostructors at marami pa ang inyong makakamtan na makaÂtulong na maiangat ang inyong pamumuhay.
- Latest