^

PSN Opinyon

Mayor sa Metro Manila, ginigipit ang ilang negosyante para magbigay ng campaign fund

SABI NI BUBWIT... - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang ginigipit   ng isang mayor sa Metro Manila ang ilang negos-yante sa kanilang lungsod upang mapilitang magbi-gay ng campaign fund?

Ayon sa aking bubwit, hindi makapaniwala ang ilang negosyante sa ginagawa ngayon ng admi-nistrasyon ni mayor dahil akala nila nung una ay matino ito. Yun pala ay isa rin sa mga binansagang “so young and yet so corrupt.”

Dati-rati ang ginagawa ng ilang pulitiko ay sumusulat at humihiling ng financial support sa mga negosyante, pero ngayon ay hindi na yata uso ang ganung estilo. Takutan na.

Nangyari ang panggigipit sa ilang negos-yante sa kanilang lungsod pagpasok ng taong kasalukuyan. Ito yung panahon na bayaran ng buwis at renewal ng business permits.

Ang hatchet man ni mayor ay ang kanyang sariling City Administrator.

Ayon sa aking bubwit, ang ginagawa ni Mr. Administrator ay sinasabihang may tax defficiency ang kanilang kumpanya. Nagugulat na lamang ang ilang negosyante sapagkat sa tagal ng kanilang pagnenegosyo sa lungsod ni mayor ay bigla na lamang tinataasan ang kanilang buwis.

At kapag nakiusap ang mga negosyante, ang bagsak pala ay humihiling ng pera para raw sa kampanya ni mayor. Pero ang malupit dito, si Mr. Administrator pa ang nagtatakda kung magkano ang ibibigay depende sa laki ng negosyo.

Katulad na lamang sa aking bubwit, siya ay hini­ngan nang tumataginting na P2.5 million. No choice si businessman kundi sumuka nang mahigit P2 milyon kaysa gipitin pa ang kanilang negosyo.

Ang mayor sa Metro Ma­­nila na nanggigipit sa ilang negosyante para magbigay ng campaign fund ay si Mayor S. as in Salbahe.

AYON

CITY ADMINISTRATOR

DATI

ILANG

MAYOR

MAYOR S

METRO MA

METRO MANILA

MR. ADMINISTRATOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with