^

PSN Opinyon

Ang pagtupad ay pag-ibig

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - Pilipino Star Ngayon

IPINALIWANAG nina Pablo at Bernabe na ang kaligtasan ay para sa lahat ng may pananampalataya sa Diyos ayon sa aral ni Hesus at hindi sa mga kaugalian o tradisyon ng bayang Israel. Alipin ang mga Hudyo: “Maliban kung kayo ay tinuli ayon sa kaugalian  ni Moises, hindi kayo maliligtas.”

Katulad ito ng mga pangaral ng iba’t ibang relihiyon, lalung-lalo na rito sa ating bansa na kung hindi mabibilang sa kanila ay hindi maliligtas at hindi makararating sa langit. Dapat daw ay sumapi sa kanila at “born again”. Kawawa naman tayong mga binyagang Kristiyano at taga-sunod sa utos ng Diyos na ibigin Siya ng higit sa lahat at ang kapwa tulad ng pag-ibig sa kanyang sarili. Kung hindi kayo mag-born again at hindi kayo maliligtas katulad ng sinabi sa Israel na kung hindi patuli ang isang lalaki ay hindi maliligtas. Ito ang unang pinagtalunan ng mga alagad sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos sa mga pagano.

Ang pag-ibig kay Hesus ay pagtupad sa Kanyang Salita at iibigin din ng Kanyang Ama. Ito ang pagsasabuhay sa aral ng Panginoon. Papatnubayan tayo ng Espiritu Santo na ipadadala ng Ama at Siya ang magpapaliwanag sa ating lahat ng bagay na itinuro  ni Hesus. Ibibigay Niya sa atin ang kapayapaan kaya huwag tayong matakot. Manalig tayo sa Kanya.

Ang Espiritu Santo ang kabuuan ng ating pagdiriwang ngayong linggo. Sinabi ni Hesus sa mga apostol na ang Espiritu Santo ang magtuturo sa ating lahat nang Kanyang mga aral. Maging sa mga Gawa ay ang udyok ng Espiritu Santo ang naging pasya na huwag tayong atangan ng iba pang pasanin maliban sa ating kailangan. At tulad sa Pahayag ay nilukuban ng Espiritu Santo ang Banal na Lunsod na doon ang magiging tahanan nating lahat. “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang Aking kapayapaan ang ibi­nibigay ko sa inyo”

Gawa 15:192,22-29; Salmo 67; Pahayag 21:10-14, 22-23 at Juan 14:23-29

ANG AKING

ANG ESPIRITU SANTO

DIYOS

ESPIRITU SANTO

GAWA

HESUS

IBIBIGAY NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with