^

PSN Opinyon

Pahabang listahan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ONLY in the Philippines, ika nga. Nakatakas sa NBI si dating Supt. Cezar Mancao. Hawak ng NBI si Mancao kaugnay sa Dacer-Corbito double murder case. Isa siyang testigo, na dating tauhan ng PAOCTF na pinamumunuan noon ni Sen. Panfilo Lacson. Itinuturo niya ang senador at ang kasamang si Michael Ray Aquino na nasa likod ng pagdukot at pagpatay kina Salvador Dacer at ang kanyang drayber na si Emmanuel Corbito. Maglalabintatlong taon na mula nang mawala sina Dacer at Corbito. Bagama’t may mga sinumpaang salaysay mula kay Mancao, wala pa ring nangyayari sa kaso. Inabsuwelto na nga sina Sen. Lacson at Michael Ray Aquino ng korte. Malaya na sila, pero si Mancao ay hawak pa ng NBI. Bakit nga naman? Isa na rin ba siyang akusado sa kaso?

Ayon kay Mancao, kaya siya tumakas ay dahil ililipat siya sa Manila City Jail mula NBI. Ang kanyang paniniwala, kapag nangyari iyon, mas maaabot na siya ng mga gustong pumatay umano sa kanya. Nawalan na siya ng tiwala sa sistema dahil parang tinuturing pa siyang kriminal imbis na isang tetsigo. Natakot na bilang na ang kanyang araw, kaya minabuti nang tumakas na lang. Inabsuwelto niya ang mga nagbabantay sa kanya sa NBI na wala raw silang kinalaman sa kanyang pagtakas. Magaling lang daw siya. Sa ngayon, dahil sa kanyang ginawa, sinibak ang tatlong tauhan sa NBI at iniimbistigahan pa ang iba.

Nadagdagan ng isa pang tao ngayon ang listahan ng mga pinaghahanap ng gobyerno, una na rito si dating heneral Jovito Palparan at Ruben Ecleo, kasama ang magkapatid na Reyes mula sa Palawan. Nagkakandarapa para hanapin ang isang nakatakas na naman mula sa kanila. Ewan ko, pero tila napakadaling tumakas mula sa mga otoridad ang mga hawak na tao, at hindi naman mahanap ang mga nagtatago. Hindi  ito maganda para sa administrasyon ni President Aquino kung hindi mapapaharap sa hustisya ang mga pinaghahanap ng gobyerno.

Sa kaso ni Mancao na naniniwala na papatayin na siya, may tunay na proteksyon bang mabibigay ang gobyerno? Siguro kung naniniwala si Mancao na kaya siyang protektahan ng gobyerno, partikular ng NBI, hindi siya tumakas. Kung naniniwala siyang may mangyayari pa sa kaso ng Dacer-Corbito double murder, nanatili pa siya siguro sa NBI. Ngayon, nadagdagan pa ang trabaho ng lahat sa paghahanap sa kanya.

CEZAR MANCAO

DACER-CORBITO

EMMANUEL CORBITO

INABSUWELTO

ISA

MANCAO

MICHAEL RAY AQUINO

NBI

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with