EDITORYAL - Kawawang manggagawa
WALANG wage increase ngayong Araw ng Paggawa. At inaasahan na ito ng mga manggagawa. Ilang araw bago ang Araw ng Paggawa, sinabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na walang dagdag sa sahod. Una na ring inihayag ng Malacañang na walang increase sa sahod ng mga manggagawa. Maraming Araw ng Paggawa na ang nakalipas na walang nakukuhang umento ang mga manggagawa at sanay na sila rito. Kaya naman sa Araw ng Paggawa, nauuwi ito sa Araw ng PagÂngawa. Ngayong araw na ito, maraming lugar sa bansa ang pagdadausan ng Araw ng Pagngawa. Ilalabas ng mga manggagawa ang kanilang mga hinaÂing sa araw na ito. Kahit man lang sa pagngawa ay maibahagi nila ang mga matagal nang isinasaloob.
Kawawa ang mga manggagawa. Sa kasalukuyan, kumikita ng P277.81 bawat araw ang mga manggagawa. Kapiranggot ang kinikitang ito para sa pamilyang may limang miyembro. Sa kinikitang ito kukunin ang mga pangangailangan sa araw-araw --- pagkain, upa sa bahay, bayad sa ilaw at tubig, pamasahe at paano kung may pinag-aaral pa. Paano rin kung may magkasakit sa pamilya? Ngayong nagtataasan ang presyo ng mga pangunahing bilihin, paano pa pagkakasyahin ang kapiranggot na kinikita.
Problema rin ng mga manggagawa ang conÂtractualization. Maraming establisimento ngayon na pawang contractual ang mga trabahador. PagkaÂlipas ng lima o anim na buwan, panibagong kontrata na naman. Ang contractualization ang naging panlaban ng employer para hindi mai-promote ang mga empleado at ligtas sila sa pagbibigay ng umento. Ang contractualization ay naglalagay sa manggagawa ng kawalan ng security of tenure. Napaka-anti-labor ng praktis na ito. Napakasamang patakaran na dapat nang mawala.
Panahon na para pagtuunan ng Aquino government ang issue sa contractualization. Tapusin na ang ganitong polisiya. Bago man lang siya matapos sa kanyang termino, maisaayos sana ang kalagayan ng mga manggagawa para naman matigil na ang pagngawa sa Araw ng Paggawa.
- Latest