^

PSN Opinyon

EDITORYAL - ‘Rising star’

Pilipino Star Ngayon

ANG ganda ng forecast ng Moody’s Analytics sa ekonomiya ng bansa para sa taon na ito hanggang 2016. Ayon sa report ng Moody’s na may title na “Philippines Outlook Asia’s Rising Star”, ang ekonomiya raw ng bansa ay lalago ng 6.5 hanggang 7 percent ngayong 2013 at magpapatuloy hanggang sa susunod na taon. Uusbong daw ang maraming pagkakakitaan sa bansang ito sapagkat magiging matatag ang merkado. Ayon pa sa report, mula sa 7 percent na pag-angat ng ekonomiya, magiging 8 percent ito sa 2016. Ang Pilipinas daw ay may maningning na larawan ng magandang ekonomiya sa mundo. Ayon sa awtor ng report na si Glenn Levine, senior economist ng Moody’s, mula raw sa pagiging underachiever sa Asia, mamamayagpag ang ekonomiya ng bansa.

Ang ganda talaga ng report na ito. Napaka-positibo. At mas lalong magiging maganda kung magkakaroon ito ng katuparan. Noong nakaraang taon, umangat ang ekonomiya ng bansa ng 6.6 percent. Tuwang-tuwa si President Aquino sa pag-angat na ito. Ipinagmalaki niya. Mas malaki raw ito sa inaasahan nilang target para sa 2012. Sabi, ang pag-angat ng ekonomiya ay dahil sa “maayos na pamamahala” ng kasalukuyang pamahalaan.

Kamakalawa, inihayag naman ng National Statistics Coordination Board (NSCB) na sa loob ng anim na taon (mula 2006 hanggang 2012) walang nabago sa kalagayan ng buhay ng mga Pilipino. Kung gaano kahirap ang naranasan mula 2006 ganito pa rin hanggang ngayong 2012. Marami pa rin ang nabubuhay below the poverty line. Marami pa rin ang walang pagkain sa kanilang hapag. Marami pa ring sumasala sa pagkain.

Ang sinasabing pag-angat o pagganda ng ekonomiya ay hindi maramdaman ng mga karaniwang mamamayan. Mataas pa rin ang bilihin at walang pagbawas sa pamasahe. Ang suweldo ng mga manggagawa ay kakarampot pa rin at hindi makasapat. Marami ang walang trabaho.

Nasaan ang sinasabing pag-angat ng ekonomiya? Nasaan ang bitbit na investment package sa tuwing darating mula sa pagbisita sa ibang bansa? Mas maganda kung mararamdaman o malalasap ang bunga ng sinasabing pagganda ng ekonomiya. Kailangan ng mamamayan ang ilalaman sa kanilang nagrerebeldeng bituka.

 

ANG PILIPINAS

AYON

EKONOMIYA

GLENN LEVINE

MARAMI

NASAAN

NATIONAL STATISTICS COORDINATION BOARD

PHILIPPINES OUTLOOK ASIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with