Hinanakit kay Trillanes
MALAKI raw ang pagdaramdam ng mga dating kabaro ni Senatorial bet Antonio “Sonny†Trillanes sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. Kaya ang balita sa sirkulo ng kasundaluhan, hindi raw makakaasa si Sonny Boy ng suporta sa darating na halalan.
Nang maupo si Trillanes sa Senado ay tuwang-tuwa silang mga karaniwang sundalo sa AFP. Pero ang tuwa ay napalitan ng pagka-dismaya. Napakatindi ng kanilang hinanakit sa taong inaasahan nilang kakalinga sa kanila at sa kanilang karapatan.
Hindi na bagong balita ang mga sundalo sa battlefield na pati combat boots ay sira at kakatiting ang sahod, samantalang may mga matataas na opisyal na nagpapasasa sa sari-saring benepisyo.
Kasi, sa tinagal-tagal daw ni Trillanes sa Senado, ni wala siyang inihaing bill para guminhawa naman ang buhay ng mga sundalo. Pati ang kanyang mga dating kasama sa Oakwood mutiny ay tila tinalikuran na rin daw ng senador.
Sa ganyang situwasyon, nagtatanong ang barbero kong si Mang Gustin: Hindi kaya nababalisa si Antonio Trillanes IV, Team PNoy senatorial bet, sa balitang hindi siya susuportahan ng mga sundalo at mga beterano sa darating na eleksyon sa Mayo 13?
Bukod sa tinuran nating dahilan, pinupuna ng mga da-ting kabaro niya ang kanyang pagiging arogante umano. Lumaki na raw ang ulo. Kesyo binastos niya si dating Defense Secretary Angelo Reyes, na isa niyang senior officer, sa isang pagdinig sa Senado. Sinasabing ito nagbunsod sa heneral na magbaril sa sarili sa harap ng puntod ng ina.
Ngayon lamang daw nangyari ang ganyang klaseng paglapastangan na napanood pa sa national television, ng isang PMA junior officer sa kanyang superior na PMAyer din. Binastos daw ni Trillanes ang akademiya at ang mga iniingatang tradisyon nito.
Anang iba, sadyang kiÂlala naman si Trillanes sa kawalan ng galang sa mga nakatatanda. Napabalitang binastos na rin nito noon si Senate President Juan Ponce Enrile nang bigla na lang itong tumayo at lumayas sa Senate floor nang wala man lamang paalam sa pangulo ng Senado.
Wala raw excuse si TrilÂlanes dahil puwede naman umanong sumalungat nang hindi nambabastos. Ang ipinamalas niya’y hin di asal ng isang “officer and a gentleman†anang mga dating kabaro niyang nakapansin.
- Latest