Buwenas si Estipona
HINDI ang jueteng lord na si Tita Dinglasan ang pumalit sa mga puwesto ng yumaong gambling lord na si Vic Siman. Kung noong buhay pa si Siman ay nag-aagawan sila ni Tita ng mga puwesto sa Laguna, mukhang ngayon ay hindi na pinakikialaman ni Tita ang mga puwesto ni Siman. Alam ni Tita na magiging target siya ng mga puna at kuro-kuro kapag pati mga puwesto ni Siman sa San Pedro, Biñan, Calamba City, Sta. Cruz at Sta. Rosa sa Laguna ay pakikialaman pa niya. Kung hindi kumikibo si PRO4-A director Chief Supt. Benito Estipona sa mga pasugalan sa Laguna, lalo na ang police chief doon na si Sr. Supt. Pascual Muñoz.
Buwenas ang masasabi ko kay Estipona dahil naupo siya bilang PRO4-A director dahil sa pagkamatay ni Siman at nasibak sa puwesto si Chief Supt. James Melad. Ninais kasi ni Melad at bata niyang si Supt. Hansel Marantan noon na solohin ang jueteng sa Calabarzon area kaya hayun naging sobrang sikat sila. Ang ugong sa ngayon sa Laguna ay si Edwin Ramos na ang bangka ng jueteng at STL bookies sa mga puwesto na naiwan ni Siman. Si Ramos ay dating mayor ng Bay. May mga puwesto pa si Ramos sa ilang lugar sa Laguna at alam ‘yan ni Muñoz dahil may lingguhang intelihensiya ito sa kanya. Pero ayon naman sa kausap ko sa Laguna, si Ramos ay props lang ni Leo Loyola, batikang operator ng jueteng at STL bookies. Sa pagkaalam ko hinahangad ni Loyola at grupo niya ang jueteng sa southern Metro Manila, ewan ko kung bakit hindi nila nakuha. Sobra siguro ang kapit ng kalaban nila.
Panay naman ang raid ng CIDG at IG sa Laguna at sa katunayan inirekomenda na ang pag-relieve sa mga hepe ng Cabuyao, Pakil, Nagcarlan, Calamba at Los Baños dahil sa “one strike†policy ni PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima. Baka mabulaga si Muñoz sa mga darating na araw na wala nang natirang hepe ng mga bayan sa Laguna dahil sa hindi niya pagkilos sa illegal gambling. Ang Special Projects Unit (SPU) ng DILG ay ginagalugad din ang PRO4-A at marami silang naarestong sugarol. Subalit kahit masipag magtrabaho ang CIDG, IG at SPU ng DILG, tuloy pa rin ang operations ng mga pasugalan sa Calabarzon area, di ba Dodjie Lasierda Sir? Tama lang ang pagÂyayabang ni Lasierda na hindi siya mapakialaman ni DILG Sec. Mar Roxas dahil sibilyan siya. Tatamaan din ng kidlat si Lasierda.
Abangan!
* * *
Congratulations kina Engineer Andy and Mrs. Marina Marquez sa pagiging magna cum laude ng kanilang anak na si Almira Minette Marquez na nagtapos sa Bulacan State University noong April 10.
- Latest