^

PSN Opinyon

Ang Banal ng Pagkaawa

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - Pilipino Star Ngayon

NGAYON ang ikalawang linggo ng Muling Pagkabuhay,  ang Banal na Pagkaawa (Divine Mercy) ni Hesus sa sangkatauhan. Ang pagpapagaling ni Pedro ay kala­kip ng Banal na Pagkaawa ay ibinigay ni Hesus. Sa pangangaral ni Pedro, marami siyang napagaling na mga maysakit maski ang natamaan ng kanyang anino ay isang himala.

Noong panahong iyon ay parami nang parami ang mga sama-samang nananalig at sumasampalataya sa Panginoon. “Butihing Poo’y purihin’ pag-ibig niya’y walang maliw”. Maging si Juan ang pinakamamahal na alagad ay pinagpala ni Hesus. Sa parusa sa kanya ng mga romano ay hindi siya naprito sa kumukulong langis, itinapon siya sa pulo ng Patmos at doo’y kinasihan siya ng Espiritu Santo at sinabi sa kanya: “Isulat mo ang iyong nakikita, huwag kang matakot! Ako ang simula at wakas.” Alpha et Omega.

Sa Kanyang muling pagkabuhay ay ipinahayag ni Hesus ang Kanyang walang hanggang pagbati. Kahima’t nakapinid ang pinto sa pagtatago ng mga alagad sa takot nila sa mga Judio ay biglang napagitna sa kanila si Hesus at sinabi: “Sumainyo ang kapayapaan!” Ipinakita Niya ang mga nangyari sa kanyang mga kamay at tagiliran. “Sumainyo ang kapayapaan, sinugo Ako ng Ama, sinusugo Ko kayo. Tanggapin nyo ang Espiritu Santo. Patawarin nyo sa kanilang kasalanan”. Maging si Tomas sa kanyang pagdududa ay binati Niya: “Sumainyo ang kapayapaan”. Doon lamang naliwanagan siya at sinabi: “Panginoon ko at Diyos ko”.

Sa ngayon ay higit tayong pinagpapala ni Hesus na kahima’t hindi natin nakita ang mga nangyari sa Kanya libo-libung taon na ang nakalilipas at wagas pa rin ang ating pagiging saksi ng pagliligtas sa atin ng Panginoon. Kaya’t  tayo ang nagsasabuhay ayon kay Juan: “Ang mga nakatala rito’y sinulat upang sumampalataya kayong si Hesus ay Mesiyas, ang Anak ng Diyos at sa gayo’y magkaroon ng buhay sa pamamagitan Niya”. Alle­luia!

Gawa 5:12-16; Salmo 118; Pahayag 1:9-13 at Jn 20:19-31

* * *

Happy birthday kina Msgr. Sam S. Baculi, Ge-rald Almazan at sa aking pamangkin na si Beth Pineda Lleva.

BETH PINEDA LLEVA

BUTIHING POO

DIVINE MERCY

DIYOS

ESPIRITU SANTO

HESUS

PANGINOON

SUMAINYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with