^

PSN Opinyon

‘Vote buying’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

HINDI na magkandaugaga sa pangangampanya ang mga mababantot na pulitiko  sa iba’t ibang panig ng bansa. Ilang araw na lang kasi ang natitira, Election na! Habang bilang na lang ang araw ng paghihintay sa botohan, parami naman nang parami ang mga nagkalat na pangit na mga mukha ng kandidato sa mga kalsada at iba’t ibang establisimento.

Inaasahan na ito ng BITAG. Pero ang lubos na nakatawag ng aming pansin, ang sunod-sunod at iba-ibang sumbong sa umano’y mga insidente ng vote buying. Taktika ito ng mga pulitikong sanay na sa “kalakaran ng korapsyon” sa bansa. Bumibili ng boto para matiyak ang hinahangad na puwesto.

Ayon sa mga sumbong, iba-ibang pakulo at pautot ang ginagamit ng mga aspirant government official para makuha ang loob ng publiko. Tulad ngayong tag-araw. Abalang-abala na raw sa pagbibigay ng mga payong, pamaypay, sumbrero at iba pang angkop sa mainit na panahon, ang mga pulitiko.

Reklamo rin nang marami ang mga sumisikip na kalsada dahil sa mga nakahambalang na mga tarpaulin at poster. Bukod pa dito ang mga nakasabit sa mga poste at kawad ng kuryente sa halos bahagi na raw ng kanilang barangay. Matatandaan na hindi pa man mainit sa publiko ang usapin tungkol sa Elections 2013, naglabas na ang Commission on Elections ng Election Rules and Regulations para makontrol ang mga korap na pulitiko. Pero, marami pa rin ang nahuhuli at naiuulat na mga lu­ malabag sa direktiba ng ahensya.

Ang kakapal talaga ng mukha ng mga ulupong at buwayang kolokoy na ito! Sa ganitong mga sitwasyon at alam ng epekto sa bansa, “Ano ang Aksyon mo?”

Manood at makinig sa Bitag Live! sa Radyo 5 at AKSYON TV sa Channel 41 araw-araw.  Pinoy US Cops-Ride Along, Sabado 8:30 – 9:00 at BITAG, 9:15 -10 ng gabi sa PTV4.

ABALANG

AKSYON

ANO

AYON

BITAG LIVE

COPS-RIDE ALONG

ELECTION RULES AND REGULATIONS

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with