^

PSN Opinyon

Food security ni Jack Enrile

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KAPAG panahon ng eleksyon, sari-saring isyu ang nagsusulputan. Alam niyo ba na nahaharap sa diskuwalipikasyon si  Bataan Governor Enrique “Tet” Garcia dahil sa inihaing petisyon ni Mariveles Mayor Oscar delos Reyes? Wala na umanong kakayahan  ang gobernador na tumupad sa tungkulin  dahil sa isyung pangkalusugan. Well, tingin ko nama’y pakakasuriin ng COMELEC ang merito ng petisyon ni delos Reyes.

* * * * *

SAPAT na pagkain para sa lahat ng Pilipino ang plataporma ng kumakandidatong Senador ng United Nationalist­ Alliance (UNA) na si Jack Enrile, anak ni Senate­ President Juan Ponce Enrile.

Lahat naman ng mga kandidato ay kani-kaniya ang agendang ipiniprisinta para sa kapakanan ng mama­mayan. Pero sana, ang diwa ng Mahal na Araw ay magpaalaala sa lahat na “it’s a sin to tell a lie.”

Mayroon kasing iba diyan na noong nangangampanya ay nangako ng mga magagandang programa pero sa pag-upo’y walang nakitang implementasyon.

Anyway, ang mga kandidato ay binibigyan natin ng benefit of the doubt.

Tinuran ng nakababatang Enrile na patuloy na lumo­lobo ang populasyon at lumalaki ang konsumo at iyan ang suliraning pagtutuunan niya ng pansin upang umagapay ang supply ng pagkain sa pangangailangan ng luma­laking populasyon. Wish you the best of luck Rep, Enrile.

Mayroon kasing mga programang ambisyoso at madaling ipangako pero  mahirap ipatupad. Isa na riyan ang Magna Carta for the Poor na aprobado na sa Mababang Kapulungan at Senado pero veto ang inabot kay P-Noy.

Ang dahilan, walang pondo para maipatupad ito. Hinihingi kasi ng batas ang pagbibigay ng murang pabahay sa mga mahihirap at iba pang benepisyo.

Inamin ng Pangulo na katakutakot na demanda ang malamang sapitin ng gobyerno dahil siguradong hindi maipatutupad ito dahil sa kakulangan ng pondo.

Oo nga naman. Ma­gandang basahin at pa­kinggan pero kung su­suriing mabuti, halos im­posibleng ma­ipatupad due to budgetary­ constraint.

Sabi ni P-Noy hindi niya ugaling magpa-guwapo para aprobahan ang mga batas tulad ng Magna Carta for the Poor.

Well, that’s calling a spade a spade.

BATAAN GOVERNOR ENRIQUE

ENRILE

JACK ENRILE

MABABANG KAPULUNGAN

MAGNA CARTA

MARIVELES MAYOR OSCAR

MAYROON

P-NOY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with