‘Invaders’ mula Sultanate uubusin ng Malaysia
ANO na ang sinapit ng Sulu Sultanate Royal Army mula nang okupahin ang isang sulok ng Sabah nu’ng Pebrero 12? Dala ang 53 riple at pistola, 235 silang lumayag, kabilang ang 19 na kababaihan. Mula makalawa ng Sabado wala nang balita sa pinunong Raja Muda Agbimuddin Kiram. Pakiwari ng Malaysia na napatay siya o kaya’y lumisan pabalik sa Tawi-Tawi. Huli siyang nakausap ni ARMM Gov. Mujib Hataman nu’ng Mar. 2, kinabukasan ng unang bakbakan; nais daw niyang umuwi. Ani Abraham Idjirani, spokesman ni Sultan Jamalul Kiram III, walang balak umuwi nang buhay ang nakababatang crown prince.
Sa bilang ng Malaysia mula Marso 1, 72 na ang napaslang sa clashes: 64 sa Sultanate, at walong Malaysian police. Kabilang sa 64 ang mag-amang Sabahan na nagkupkop sa kanila sa Lahad Datu, at dalawang imam, dalawang anak, at isang datihang rebeldeng Moro sa Semporna.
Ulat ng Philippine Embassy sa Kuala Lumpur na 104 kasapi ng Sultanate ang nabihag at itinatago ng Malaysia. Walo sa kanila ay isinakdal ng terrorism, na may parusang bitay. Nakaaresto naman ang militar ng Pilipinas ng 38 pang papauwi sa Sulu. Kinasuhan sila ng illegal possession of firearms, violation of election gun ban, at inciting to war; bail, P6.2 milyon. Lahat malnourished, marami sa kanila, tulad ng ibang taga-Sultanate, ay matatandang naghahanap lang ng lupain.
Sa huling ulat nu’ng Martes, 2,719 Pilipino ang lumisan
ng Sabah patungong Tawi-Tawi. Dagdag dito ang 289 illegal entrants na ipina-deport ng Malaysia. Dose-dosena pang Pilipino ang mga nasa refugee camps sa Lahad Datu, Semporna, Tanjung Batu, at Sandakan. Mahigit 800,000 Pilipino ang nagtatrabaho sa Sabah; hindi matiyak kung ilan sa kanila ay pinagkaÂlooban ng Malaysian immigrant status.
* * *
Makinig sa Sapol, SaÂbado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest