Dalawang ‘maeepal’ na kongresista sa Taguig
IT’S epal time. Ito ang usong-uso ngayon sa mga graduation ceremony sa halos lahat ng sulok ng bansa. Kasi nga ito ang pagkakataon na makapambola ng mga botante ang mga ambisyusong politiko kahit na hindi nila nasasakupan. Ngunit mabobola pa kaya nila ang mga botante o baka naman abutin sila ng kawing-kawing na asunto sa paglabag sa Comelec. Katulad na lamang sa nangyaring girian sa Taguig kung saan nambraso umano itong sina Ist District Congressman Arnel Cerafica at 2nd District Congressman Freddie Tinga na makapagtalumpati sa harap ng mga nagtapos sa Eusebio C. Santos Elementary School. Ayon sa aking mga nakausap okey lang sa kanila na magbigay ng talumpati si Cerafica dahil nasasakupan ito ng kanyang distrito. Subalit ang pagtalumpati ni Tinga ay tila masakit na sa kanilang taenga dahil over the bakod ito at hindi katanggap-tanggap sa kanila na maglambada ito sa entablado. Kasi nga kung babasehan itong alituntunin na ipinalabas ng Department of Education (DepEd) tiyak na may tulog si Tinga.
Bago pa man sumapit ang mga graduation, ang Department of Education
(DepEd) ay naglabas ng memo-guidelines na nagbabawal sa mga pulitiko na 
magsalita sa mga graduation ceremony para maiwasan ang pamumulitika sa mga
 seremonya. Alinsunod sa panuntunan, ang pahihintulutan lamang na
 makapagsalita ay ang incumbent mayor at kongresista. At upang maging malinaw sa mga pulitiko ang panuntunang ito ay naglabas ng
 opisyal na paanyaya ang DepEd Taguig-Pateros sa mga nararapat na dumalo 
lamang bilang special guests sa graduation ceremonies ng bawat paaralan. Pinahihintulutang makapagsalita sa lahat ng graduation ceremony si Mayor Lani Cayetano. Ang mga
 kongresista naman ay may limitasyon kung saan sila maaaring 
makapagtalumpati. Si Congressman Arnel Cerafica ay sa mga paaralang sakop 
ng unang distrito, habang si Congressman Freddie Tinga naman ay sa 
ikalawang distrito.
Nagkaroon ng komosyon sa graduation ceremony ng Eusebio C. Santos
 Elementary School dahil sa pagiging agresibo ng mga bodyguard at 
tagasuporta nina Congressman Cerafica at Tinga na nanakit sa nag-ooperate ng sound system ng graduation.
 Nag-ugat ang kaguluhan nang balewalain ni Congressman Tinga ang DepEd
 guidelines. Wow epal talaga! Sa kabila ng mga paalala mula kay DepEd Taguig-Pateros acting 
legal officer Danilo Espelico ay itinuloy pa rin ng kongresista ang 
pagtatalumpati. At dahil nga bawal ito, ang mikroponong hawak niya ay
 pinasara sa nag-ooperate ng sound system. Ay nakakahiya! Ito ay ikinagalit ng mga 
bodyguard ni Cerafica at Tinga at sinakal ang umano ang isang tauhan ng Public Order
and Safety Office (POSO).
 Pinalalabas ni Tinga na sya ay ayaw pagsalitain ni Mayor Lani Cayetano dahil siya ay kalaban sa pulitika. Paano naman niya
 mapapatunayan ito, gayong siya ay invited, pina-attend at pinagsalita sa 
lahat ng graduation sa mga paaralang nasa kanyang distrito, ang pangalawang 
distrito nga.
 Sa kanyang mga speech, ginawa pa niyang pangangampanya ito para sa 
kanyang kapatid na si Rica, ang pinatakbo niya para kalabanin si Mayor Lani Cayetano.
- Latest