^

PSN Opinyon

Socialite-politician…tinanggihan ng cosmetic surgeon

SABI NI BUBWIT... - Deo Macalma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang tinanggihan ng isang cosmetic sur- geon ang isang socialite-politician na magpaparetoke sana sa kanya?

Ayon sa aking bubwit, maraming beses nang nagpaayos ng mukha at katawan si Madam para lalong gumanda at sumeksi.

Siya ay nagpaayos na rin sa isang pinaka-sikat ngayong beauty clinic subalit hindi pa rin makuntento si Ms. Socialite.
Ngayon ay meron na naman sanang gustong iparetoke sa kanyang mukha. Ito ay nagpunta sa isang magaling ding cosmetic surgeon subalit ang malungkot na balita, tinanggihan siya mismo ng naturang cosmetic surgeon na si Dr. V.
Ayon sa aking bubwit, tumanggi ang cosmetic surgeon na ayusin si Madam dahil sumobra na pala ang mga retoke sa kanyang mukha. Dahil pala sa daming beses niyang pagpaparetoke sa mukha ay sumagad na ang pagkakabanat nito.

Nangangamba ang doktor na baka mapunit na ang balat ni Ms. Socialite kung aayusin pang muli. Dahil sa sobrang banat sa kanyang mukha ay hindi na siya makangi­ti at halos hindi na pala maipikit ang kanyang mga mata.

Dapat pala, ang pagpaparetoke ng mukha ay every ten years at hindi kada anim na buwan o taun-taon.

Ayon sa aking bubwit, ang socialite na tinanggihan ng cosmetic surgeon na ayusin pa ang kanyang mukha dahil sobra na sa pagkakabanat ay si…

Siya ay dating local official mula sa Central Luzon at kilala ang kanyang mayamang pamilya. Siya ay si Ms. M.C.

vuukle comment

AYON

CENTRAL LUZON

DAHIL

DAPAT

DR. V

MS. M

MS. SOCIALITE

MUKHA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with