^

PSN Opinyon

‘Cars online’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MARAMI pa ring nabibiktima ang mga dorobo’t manggagantso sa internet.

Naglipana ang iba’t ibang uri ng modus, sa layuning makapanlinlang at makapanloko ng mga pobre. Gasgas na paalala at matagal ng All Points Bulletin ng BITAG ang tungkol sa mga sasakyang ibinibenta sa mga internet sites.

Kamakailan, muling naging usapin ang mga stolen vehicle na ibinibenta ng mga kawatan, gamit ang ma-kabagong paraan at teknolohiya. 

Nitong nakaraang araw, naglabas ng babala ang Highway Patrol Group ng Philippine National Police. Naging aktibo ang mga sindikato sa pagtutulak at pag-aanunsyo ng mga nakaw na sasakyan.

Tinukoy ng HPG, na ang Sulit.com ang pugad at kara­niwang ginagamit ng mga kawatan sa kanilang modus. Ipino-post sa website ang hitsura at larawan ng mga sasakyan kasama ang mga detalye nito pati na ang numero ng manggagantsong nag-aalok ng sasakyan.

Sakaling kumagat sa alok ang target victim,  dito na nagkakaroon ng pagkakataong makapanggantso ang mga dorobo. Ayon sa ahensya, mga motorsiklo at van ang in-demand sa mga internet site.

Dahil dito, hinihikayat ng HPG ang publiko na maki-pag-ugnayan sa kanilang mga tanggapan upang hindi mabiktima ng mga kawatan.

Hindi na bago ang ganitong mga istorya at sumbong sa BITAG, kaya naman pinapaalalahanan ang publiko na maging matalino sa pagbili ng mga sasakyan.

Subaybayan ang Pinoy U.S. Cops – Ride Along at BITAG tuwing Sabado sa PTV Channel 4, alas-8:30 at alas-9:15 ng gabi. Araw-araw na panoorin ang BITAG Live na sabay na mapapanood sa Aksiyon TV Channel 41 at mapapakinggan sa Radyo 5 92.3fm, alas-10:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng umaga.

AKSIYON

ALL POINTS BULLETIN

ARAW

AYON

HIGHWAY PATROL GROUP

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PINOY U

RIDE ALONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->