^

PSN Opinyon

CPNP, Police ‘action’ Man

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

NAPAKAHALAGA kay CPNP Allan Purisima ang defining at delineating roles sa kapulisan kaya naman dahil dito ay binalasa niya ang PNP admin para nga naman ang admin ay masuportahan ng todo ang mga kapulisan na nasa field sa Philippines my Philippines.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, gusto ni CPNP Purisima na patakbuhin ng mga qualified thief este mali civilians pala para ma-maximize ang human resources nito sa field.

Abangan.

Kuto sasalakay ngayon tag-init

NAKAKATUWA ang balitang ito pero hindi ito biro dahil nagbabala ang Department of Health sa madlang people na mag-ingat dahil sasalakay ngayon tag-init ang kuto hindi lang sa mga bata o matanda, pipi, bingi o bulag, tomboy o bakla, may ngipin o bungal­ kaya naman huwag basta-basta gagamit ng mga kagamitan hindi sa inyo lalo na ang suklay, sumbrero, kumot at unan para hindi kayo magka-kuto sa ulo.

Sabi nga, ok lang sa kalbo !

Ayon sa mga bright dyan sa DOH, basta tag-init mas doble ang bilis para mapisa ang itlog ng kuto kaya madali silang dumami at sumalakay sa madlang people na burara sa katawan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga probinsiya sa Philippines my Philippines ang na monitor sa pagsalakay ng kuto kaya naman ang madlang people dito especially mga student ay may mga dalang suyod na suklay para pang-tanggal ng kuto dahil grabe as in grabe ang kati nito sa ulo oras na mahawaan kayo nito.

Sabi nga, mag-ingat sa kuto at kotong. Hehehe !

Abangan.

Grupong ‘hamog, gagamba at spiderman inupakan sa NAIA

PINABANATAN ni MIAA assistant manager for Security and Emergency Services (ret.) General Salvador Penaflor sa ginawang joint operation ng Airport Police, Pasay City Police at PNP - Aviation Command para hulihin ang mga tinaguriang batang ‘hamog,’ gagamba boys at mga spiderman na nambibiktima ng mga dumarating at maging sa mga umaalis na pasahero dyan sa may NAIA Terminal 1 up to NAIA terminal 4 o ang Old Domestic Airport.

Sinabi ni Penaflor sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga kamoteng ito ay walang ginawa sa loob ng isang buong araw kundi ang sumabit, manakot, manghingi ng salapi sa mga pasaherong dumarating ng Philippines my Philippines.

Ayon kay Penaflor, sangkatutak ang reklamong dumarating sa kanyang office tungkol dito kaya naman gumawa sila ng game plan para arestuhin ang mga kamote at i-turnover sila sa DSWD for proper disposition.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga kamoteng ito ay nakakasira sa mga banyagang turistang dumarating sa Philippines my Philippines dahil wala silang ginawa kundi ang sumabit, mangatok at manakot ng mga pasahero sa sasakyan kinatuwan ng mga ito.

Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, matagal na ang problema nito sa paliparan dahil sa dami ng mga nabibiktima nitong mga pasahero kaya naman dahil sa sumbong ay nag-react na ang grupo ni Penaflor para upakan ang mga kamote.

Bukod dito, natuklasan din ng mga tauhan ni Penaflor ang lungga ng mga kamote dyan sa ilalim ng tulay dahil may mga bahay pala dito nakatirik kaya naman pinagiba na rin ito ng mga authorities.

‘sino ba ang mga handler ng ‘hamog, gagamba boys at spiderman sa airport ?’ tanong ng kuwagong manunupot.

‘mayroon iyan imposibleng wala kaya malalakas ang loob ng mga kamote dahil may mga handler’ sagot ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

‘ano ang maganda ?’

Binubusisi ngayon ni Penaflor kung sinu-sino ang mga handler.

Abangan.

ABANGAN

AYON

DAHIL

KAYA

PARA

PENAFLOR

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with