^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mabagal na pag-usad ng mga kaso sa hukuman

Pilipino Star Ngayon

NANG italaga ni President Aquino si Supreme Court chief Justice Lourdes Sereno noong Agosto 2012 kapalit nang na-impeached na si Chief Justice Renato Corona, maraming umasa na ang mga nakabimbin at inaagiw na mga kaso sa hukuman ay madali nang madedesisyunan. Mataas ang naging expectation ng mamamayan kay Sereno bunga na rin ng mga hindi magandang nangyari sa Supreme Court sa nakalipas na administrasyon. Sa tingin nang marami, nakahihigit si Sereno kaysa sa na-impeached na si Corona.

Pero pitong buwan na si Sereno sa Supreme Court ay wala pang nakikitang pagbabago. Marami pa ring mga kaso ang hindi gumagalaw at hindi makakita ng liwanag ang mga nauuhaw sa hustisya. Walang makitang pagsulong para mabawasan ang maraming kaso sa mga hukuman. May ginagawa ba ang Kataas-taasang Hukuman para mapabilis ang pagdinig sa mga kaso na noon pa nakasampa.

Sa sobrang tagal nang pagdedesisyon sa mga kaso, marami nang witness ang nagbaliktaran sa kanilang naunang testimonya. Hindi masisisi kung “naayos” na ang witness at lahat nang sinumpaan ay binabawi. Madali lang namang sabihing kinukonsensiya kaya binabawi ang lahat nang sinabi. Walang katotohanan ang kanyang mga naunang pahayag. Sa sobrang tagal na nakabimbin ang kaso, nakagawa ng paraan ang kalaban para mabaliktad ang mga testimonya.

Isang halimbawa ay ang Ruby Rose murder case. Ang government witness na si Manuel Montero ay nawawala na at hindi na matagpuan ng mga pulis. Nawala na umano si Montero makaraang bawiin ang lahat ng kanyang sinabi ukol sa pagpatay kay Ruby Rose Barrameda. Ayon kay Montero, walang katotohanan ang kanyang mga pahayag. Nakonsensiya umano siya sa pagdawit sa mga taong walang kasalanan. Si Ruby Rose ay pinatay at isinilid sa drum at saka sinimento. Inihulog iyon sa dagat. Ayon sa unang salaysay ni Montero, binayaran sila ng P50,000 bawat isa para patayin si Ruby Rose noong Marso 2007. Ang nag-utos umano ay ang biyenan ni Ruby Rose at kapatid nitong shipping magnate.

Kung mabilis lang ang pag-usad ng kaso, baka nakatikim na ng hustisya ang mga kaanak ni Ruby Rose. Hindi sana nakaatras ang witness. Ilan pang kaso ang hindi na mabibigyan ng hustisya dahil sa mabagal na galaw ng hukuman?

 

AYON

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

KASO

MANUEL MONTERO

RUBY ROSE

RUBY ROSE BARRAMEDA

SI RUBY ROSE

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with