^

PSN Opinyon

Ca-SIN-O

- Al G. Pedroche - The Philippine Star

MAKABUBUTI nga ba para sa bansa ang pagtatayo ng maraming casino para umangat ang ekonomiya? Sagot ni retired Archbishop Oscar Cruz “malaking CASINO-ngalingan.”

Narinig ko’ng iniinterbyu sa radyo si Archbishop Cruz at natawa ako sa kanyang punning.

Prayoridad na proyekto ng pamahalaan sa pamamagitan ng Philippine Gaming and Amusement Corp. (PAGCOR) noon pang panahon ni Presidente Gloria Arroyo hangga ngayon ay ang pagtatayo ng “theme park”  o “entertainment city” sa isang reclaimed portion ng Manila Bay sa Pasay City. Hindi lang mga Katoliko ang tutol sa casino kundi pati ibang sektang Kristiyano. Katunayan, naglabas na rin ng statement ang Intercessors for the Philippines sa pamumuno ni Bishop Dan Balais na kumokontra sa casino.

Ngunit katuwiran ng pamahalaan, mga turista lang at yung mayayaman ang puwedeng maglaro. Kalokohan iyan. Pati mga nagbebenta ng panandaliang aliw diyan sa may Sta. Cruz ay itinataya sa casino ang kanilang kaunting kinikita sa pagbabakasakaling dumami. Witness ako diyan dahil noong araw ay libangan ko rin ang slot machine. Hinintuan ko ito dahil nakita ko ang mga kalunus-lunos na talunan na nagsasangla ng kanilang relo, cell phone, kotse at pati titulo ng bahay sa pag-asang makabawi sa kanilang natalo. Na-realize ko rin na ang sugal ay taliwas sa ating pananampalataya. Kung may faith ka sa Diyos, hindi mo iaasa sa tsansa ang kapalaran mo.

Okay sana kung ala-Disneyland lang ang proyekto at gagawing libangan para sa mga bata at mga turista pero hindi. Tatayuan ito ng sandamakmak na mga hotel na may mga casino o sugalan. Parang Las Vegas at Macau.

Gaano man idepensa ng mga pro-gambling apologists ng pamahalaan ang pa­sugalan, naniniwala akong mas makasasama ito kaysa makabubuti sa moral fabric ng lipunan.

Sa gusto natin o hindi, ang mga casino ay gagamitin ng mga sindikato para linisin ang kanilang maruruming pera mula sa mga illegal na negosyo tulad ng droga. Yun bang tinatawag na money laundering.

Maybe it is time to redefine the function of PAGCOR since it cannot be immediately abolished being a constitutional creation since Marcos time. And yes, some good hearted people in Congress must initiate a move to totally curtail gambling which promotes great love and ado­ration for money which is the ROOT OF ALL EVIL.

ARCHBISHOP CRUZ

ARCHBISHOP OSCAR CRUZ

BISHOP DAN BALAIS

CASINO

MANILA BAY

PARANG LAS VEGAS

PASAY CITY

PHILIPPINE GAMING AND AMUSEMENT CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with