^

PSN Opinyon

Equality and respect

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

ANG unang linggo ng Marso ay tinaguriang Womens week. Ang Marso 8 naman ay hinirang na National Women’s­ Day. Sa buong kapulungan ay marami nang naka-schedule na events gaya ng lectures, seminars at workshops tungkol sa isyu na kababaihan. Ang pinakamatindi sa usaping ito ay ang gender sensitivity o ang paniniguro na sa pagpatupad ng mga programa ng gobyerno, alam ang mga nagdidisenyo nito tungkol sa mga kaibahang namamagitan sa mga lalaki at babae at ng magkaibang pangangailangan ng mga ito.

Hindi layon ng mga programa tungkol sa gender sensitivity ang gawing patas ang mga babae at lalaki. Ang importante lang sana ay maunawaan ng madla, lalo na ng mga namamahala na may mga diperensiya ang mga ito dala ang magkaibang kasarian at hinding-hindi ito dapat magbunga ng opinyon na mas magaling o mas matimbang ang isa. Kapag naisama ito sa paghubog at disenyo ng mga programa na gobyerno, higit na magiging epektibo ang mga ito. Halimbawa na lamang ay tataas ang pagiging produktibo ng mga babaing manggagawa, ang mga kabataan ay mababago ang pananaw tungkol sa kanilang lipunan at mismong sa kanilang sarili ay hindi na malilimitahan ang kanilang potensiyal bilang mamamayan.

Mahalaga ring isaalang-alang na hindi lang ang ka­sarian ang kailangang pahalagahan sa pagdisenyo ng mga programa. Maging ang mga karanasan ng mga ito sa kani-kanilang lipunan ay dapat alamin. Gaya na lamang ng ginawa ng isang international organization sa Afghanistan. Nang makita nilang malayo ang nilalakad ng mga kababa­ihan para lamang makaigib ng tubig sa balon, ginawan ng paraan upang maihatid ng mga tubo ang tubig sa bahay-bahay sa komunidad. Imbes na matuwa ang mga babae, nadismaya pa sila. Bakit? Dahil ang pagdalaw nila sa balon upang mag-igib ang tanging pagkakataon upang makapagkuwentuhan sila sa kanilang kapwa kababaihan na hindi naman nila magawa sa komunidad, kahit magkapitbahay lang sila.

Ang kaibahan natin sa isa’t isa ay gawa-gawa lang ng lipunan. Maliban sa kaibahan ng ating kasarian sa pagkapanganak, walang ma­laking diperensiyang namamagitan sa babae at lalaki. Lahat tayo ay pantay pantay at lahat ay dapat respetuhin.

ANG MARSO

BAKIT

DAHIL

GAYA

HALIMBAWA

IMBES

NATIONAL WOMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with