‘Ano pong sintomas ng cancer sa balat’
Dear Dr. Elicaño, itatanong ko lang po ang mga sintomas ng cancer sa balat. Kasi po ang aking tatay ay namumula ang balat sa likuran. Kumakalat po ang pamumula. Siya po ay dating magsasaka. Noon po ay lagi siyang nakaÂbilad sa init ng araw. Matagal na rin po siyang tumigil sa pagsasaka sapagkat matanda na siya. Cancer sa balat po kaya ito? ---NENITA SANGOS, Gapan, Nueva Ecija
Ang matagal na pagbibilad sa araw ay nagdudulot ng cancer sa balat. Kapag sumapit ang alas diyes ng umaga, huwag nang magbilad sa araw sapagkat matindi ang sikat nito. Iwasan ang araw simula 10:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.
Ang mga sintomas ng cancer sa balat ay: 1) Bukol sa balat na habang tumatagal ay lumalaki at nag-iiba ng kulay, laki at itsura; 2) Pagkakaroon ng pigmentation na tumatagal ng ilang taon; 3) Mga sugat na hindi bumaÂbahaw; 4) Pamumula at paninigas ng bahagi ng balat.
Ang mga palatandaang ito ay maaaring cancer sa balat, subalit nararapat na masuri munang mabuti ng doktor para mapatunayan.
Bukod sa matinding pagkabilad sa init ng araw, poÂsibleng dahilan din ng cancer sa balat ang mga sumuÂsunod: radiation; pagkalantad sa coal tars, arsenic, pitch, nitrate, nickel, beryllium, creosote, at sa 500 chemical compounds. Nagkakaroon din ng cancer sa balat ang mga taong may keratosis.Ang keratosis ay ang pagkakaroon nang matitigas na scales sa maliit na bahagi ng balat.
Nagkakaroon din ng cancer sa balat ang may xeroÂderma pimentosum, isang sakit sa balat.
Ginagamot ang cancer sa balat sa pamamaÂgitan ng: 1) pag-opera sa cancer sa balat at nakapaligid na tissues; 2) radiation theraphy na karaniwang ginagawa sa skin cancers na nasa mukha, eyelids, tayngaÂ, labi, ilong; 3) chemoÂtheraphy; at 4) cryoÂsurgery, pag-aalis ng tissue.
- Latest















