^

PSN Opinyon

Editoryal - Mabagal ang usad sa pagkakamit ng hustisya

Pilipino Star Ngayon

MARAMING nauuhaw sa hustisya sa bansang ito. Maraming pinatimbuwang ng bala na hanggang ngayon ay hindi pa nalulutas kung sino ang nag-utos o utak. Sa dami ng mga tumimbuwang, nagkapatung-patong na ang mga sumisigaw at nauuhaw sa hustisya. Hanggang kailan maghihintay ang mga kaanak ng pinaslang?

Katulad nang pinatay na broadcaster at environmentalist na si Dr. Gerry Ortega. Dalawang taon na ang nakalilipas mula nang siya ay barilin sa Puerto Princesa City, Palawan. Pero hanggang ngayon, wala pang nakakamit na hustisya ang kanyang mga mahal sa buhay. Ang mga nagpapatay sa kanya ay nakalabas na umano ng bansa. Mayroon sanang mga credible witness sa pagpatay subalit pati ang mga ito ay isinama na rin sa hukay. Namatay (o pinatay) sila sa kulungan. Sabi ni Mrs. Patria Gloria Ortega, biyuda ng pinaslang, nawawalan na siya ng pag-asa sa kaso. Nagsalita si Mrs. Ortega sa 8th national congress ng National Union of Journalists of the Philippines sa Los Baños, Laguna noong nakaraang linggo. Wala umanong ginagawa ang gobyerno para mahuli ang mga “utak” ng pagpatay. Wala raw tracking team para matunton ang kinaroroonan ng mga utak na nakalabas ng bansa gamit ang pekeng passport. Nakadarama raw siya ng kabiguan sa sistema ng justice system sa bansa.

Hindi lamang si Mrs. Ortega ang nakadarama ng ganito. Marami pang pinagkaitan ng hustisya. Maraming mamamahayag pa ang pinatay na hanggang ngayon ay uhaw na uhaw sa hustisya. Ang Maguindanao massacre ay isang halimbawa. Sa 52 pinatay, 30 ang mamamahayag. Hanggang ngayon, usad-pagong ang paglilitis. Hindi alam ng mga kaanak ng biktima kung kailan makakamtan ang hustisya. Marami sa kanila ang nawawalan na rin ng tiwala sa sistema ng katarungan sa bansa.

Kamakailan, sinabi ni President Noynoy Aquino na pabibilisin ang paglilitis sa mga hukuman. Na­ngako rin siya na pabibilisin ang pag-imbestiga sa extrajudicial killings. Umaabot na sa 129 ang mga biktima ng extrajudicial killings at 14 sa mga ito ay mga mamamahayag.

Tuparin kaya ni Aquino ang sinabi? Harinawa. Uhaw na uhaw na ang mga kaanak ng pinaslang. Huwag hayaan na tuluyan silang mawalan ng tiwala sa namumuno.

ANG MAGUINDANAO

DR. GERRY ORTEGA

HANGGANG

LOS BA

MARAMI

MARAMING

MRS. ORTEGA

MRS. PATRIA GLORIA ORTEGA

NATIONAL UNION OF JOURNALISTS OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with